Chapter 60
Ed- Edward.” Wala sa sariling sambit niya. Lumapit ito sa kaniya. Niyakap siya ng mariin.
Muling nabuhay ang pananabik na makulong sa bisig nito. Pero hindi niya magawang gantihan
ang yakap nito.“Naman Marydale. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit pinahirapan mo ako gayong wala
naman akong dapat paghirapan.” May hinanakit na sabi nito.“Wait. Sasabihin ko muna to. Hindi
ko nabigyan ng chance ang sarili ko na i- voice out ito ganoon din ikaw walang chance para marinig
mo. I love you Edward. I really do.” Madamdaming sabi nito.“Hindi ko na kakayanin kung
another years pa ang lilipas bago ko ulit masabing mahal kita.”
Binitiwan siya nito. Naluha na lang ito.Niyugyog siya sa magkabilang balikat ni Edward. “Bakit ganiyan ang reaksiyon
mo? Ang sabi ko mahal din kita MARYDALE ANGEL ENTRATA. Hindi mo man lang ba ako na- miss at kahit konting ganti sa yakap
ko ay hindi mo magawa? Ako miss na miss na kita, baka akala mo.”“Paano ako gaganti ng yakap e, kinulong mo ang mga bisig ko tapos ngayon hawak mo pa
ang balikat ko. Hindi ako makawala sa sobrang higpit bunag ka kapre ka.”“Hah? Ganoon ba?” niluwagan nito ang paghawak sa kaniya. “Sige ulitin natin hahahaha.”
Niyakap
siya nito na binigyan daan siya na makaganti rin ng yakap. Which she did not do.Nagtatakang pinakawalan siya nitong muli.
“O bakit ayaw mo akong yakapin?”
Kung hindi lang niya inisip ang na may pinsala na ito sa mukha, baka tinadtad pa niya ito
ng suntok.Mabilis niya itong iniwan sa gitna ng hall way ng naturang unit ng hospital.
“Hala, may nag- aaway na magsyota…” Narininig niya ang mahinang bulong- bulungan ng
nakakita ng eksena nila ni Edward.“Marydale Angel Entrata.” Tawag ni Edward sa kaniya. Sa may parking lot na siya naabutan nito.
Humihingal ito. Hindi siya nito agad nahabol kanina dahil pasara na ang elevator.
“Bakit mo ako
iniwan ng basta ganoon na lang doon?” habol ang hiningang sambit nito.Hindi siya sumagot. Akmang papasok na siya ng kaniyang red BMW nang iharang nito ang
sarili sa pinto ng kotse.Padarag niya itong hinarap.
“What is wrong with you?”
“Wala.” Kimkim ang galit na sagot niya.“Then why are you behaving like that?”
“Behaving like what?” ganting tanong niya. Hindi niya pansin na napataas na rin pala ang
kaniyang boses.“Behaving like you’re not here?” lumabas na lahat ng hinanakit niya rito.
“Edward,
pinalayas mo ako sa bahay niyo na hindi alam ang tunay na dahilan. Nalilito ako. One moment,
you act like you really love me. Then all of the sudden you treated me like a cheap nobody. Two
years akong naghintay. Lahat ng mga kaibigan at pamilya ko nagfreak out na sa haba ng panahon
ng paghihintay ko. Tapos ngayon, magpapakita ka sa akin, yayakapin ako sabihing mahal at nami- miss mo ako gayong taon pa ang pinalipas mo. Paano mo ako paniniwalain ngayon sa mga
pinagsasabi mo?”“I thought you were married.” Nasa tono ang matinding pagsisisi.
She was taken a back by his revelation.“Married? To whom?”
“Buong akala ko ikakasal ka na kay McCoy.”
“Damn!” tinampal niya ang kaniyang noo. “Tell me this is not really happening.” Naliliyo
siya.“I guess I deserved all the punches and verbal abuse that I received from your brother and
McCoy.” Iyon pala ang dahilan ng pamamaga ng itsura nito.“At madadagdagan pa yan kung hindi mo ipapaliwanag ang lahat sa akin ngayon.”
Nagbabantang utos niya.
BINABASA MO ANG
VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)
AdventureTEASER Ulilang Lubos ang Magkapatid na Luis At Marydale ngunit di pinabayaan ni Luis ang nakakabatang kapatid. Pinaaral at inalagaan. C Marydale na My kakulitan Sinasadya at di- sinasadyang napadpad sa lugar na kung ituring ng kaniyang Kuya Luis...