4

510 32 0
                                    

Chapter 4

“Nagka- amnesia ka na ba? We have all the sources. Ipapahanda ko kay Nonong ang private
plane natin at ako mismo ang dadampot sa iyo diyan.”

“Ay, sosyal na sana dahil you will use our private plane kaso ibinagsak mo naman sa word
na ‘dampot,’ ulitin mo kuya Luis. Use the word ‘pick- up.’ Sige na.” susog niya.

Dun siya
magaling, ang ilayo ang usapan sa dapat na pinag- uusapan. Itinuturing niya itong kakaibang
talent.

“It’s a phrase not a word.” Nagtitimpi nitong sagot.
“Naku ang taray! Palaban na ang kuya ko. Ang galing- galing naman. Nagmana ka na sa
akin. Uhm… I have to go na pala. Here na ang mga luggage namin. Update kita later. Labyu, bye.”

She hang up bago pa ito makahirit at seryosohing damputin siya este pick-up-in pala dito sa
Launion. Hindi pa nga niya nauumpisahan, matatapos agad.

Gusto pa naman niyang gawin ang
trabahong ito ng mag- isa at patunayan sa sariling nag- mature na siya. Yeah right!
She gathered her luggage. Isang medium size na maleta lang iyon.

Tamang- tama lamang
para sa mga importanteng bagay na gagamitin. Hindi siya dapat makaagaw ng atensiyon. Walang
gaanong mamahalin sa kaniyang gamit.

Dapat magiging maingat siya sa kaniyang ikinikilos upang
hindi siya mapahamak. It would be unwise on her part kung ipangangalandakan niya ang kaniyang
tunay na estado sa buhay.

Nagsimula siyang maglakad palabas ng paliparan. May susundo naman sa kaniya, and that
means hindi na niya poproblemahing maligaw.

She is good in finding and gathering informations
but not in directions. World’s geographical map is still a mind- boggling thingy on her part.

Napakainit din sa labas. Isinuot niya ang kaniyang dark sunglasses. Sinuyod niya ang buong
kapaligiran. Napakasimple ng istruktura ng buong paliparan.

Halos naikot na niya ang bawat
magagandang tourist spot around the world, kaya naikukumpara niya ang bawat istilo ng bawat
paliparan na napuntahan niya.

Sinimulan niyang hagilapin kung saan at kung sino ang kaniyang
magiging sundo. Wala siyang ideya kung anong itsura nito dahil last minute ang paabiso sa kaniya.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon