Chapter 28
NAGING parang may marathon sa kaniyang dibdib. Ang lakas ng kabog nito. Pakiramdam niya ay
dumami ng husto ang kaniyang puso at sabay- sabay itong pumipintig.Awtomatikong napadako
ang kaniyang mga mata sa mukha ni Edward. Gadangkal lang iyon at tila parang namagneto siyang
titigan ito.Kung sa malayuan nga ay halos magwala ang kaniyang puso sa kaguwapuhan nito,
walang sinabi iyon kung matitigan niya sa malapitang range.Mesmerize by his looks and with their position, biglang napalunok si Marydale. Lalo pang
nadagdagan iyon nang maramdaman niyang lalong humigpit ang pagkayakap sa kaniya ni Edward.Nanayo rin ang kaniyang balahibo nang masamyo ang mabango at mainit nitong hininga.
His mesmerizing eyes spells something that she knows of. It is as if telling her that he was
going to kiss her. Gusto niyang mapalunok ulit subalit nanuyo ang kaniyang lalamunan.Binasa na
lamang niya ang kaniyang labi gamit ang kaniyang dila.
My, she’s experiencing her first spark! Nagdiwang ang kaniyang puso.“Is this the part where we should kiss?” Maya- maya ay putol ni Edward sa mahabang
special moment na dumaan sa kanila.Anu raw?
Lukot ang mukhang inarok ng kaloob- loobang bahagi ng kaniyang utak kung ano ang ibig
nitong sabihin.Bling. Bling. Bling. Pagkatapos ng maikling pagnilay- nilay, naunawaan na rin niya ang
sinabi nito. Nabuwisit siya sa kaalamang iyon.Sinadya niyang bigatan ang pagtukod habang inalalayan ang sarili na tumayo. Napaungol
si Edward sa kaniyang ginawa.“Maganda na sana, e.” Reklamo niya sabay pagpag ng tuyong dumi na kumapit sa
kaniyang damit.“Kailangan bang sirain mo ang moment na yun? Hindi mo ba alam na rare na
mangyari ang ganoong attraction between two exactly different strangers.Sa fictional romance
lang ata yun tunay na nag- eexist. Mantakin mo totoo rin pala ang spark sa totoong buhay. But
you ruined it. You ruined my first spark. Ang tagal kong inantay iyon.” Akusa niya sabay duro rito.
Tumayo na rin si Edward.“Whoa…” itinaas pa nito ang dalawang palad na para bang walang ginawang mali.
“Whoa ka diyan. Hindi ako kabayo.” Katakot- takot na irap ang ginawa niya.
“What do you expect me to do? Hahayaan ko na lang na hali… na magha… na we do that
thing.” Tulirong sabi nito.“See? Hindi mo man lang mabanggit na muntik na tayong mag- kiss. Denial ka Edward.”
BINABASA MO ANG
VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)
AdventureTEASER Ulilang Lubos ang Magkapatid na Luis At Marydale ngunit di pinabayaan ni Luis ang nakakabatang kapatid. Pinaaral at inalagaan. C Marydale na My kakulitan Sinasadya at di- sinasadyang napadpad sa lugar na kung ituring ng kaniyang Kuya Luis...