19 Kilig Besh haha

389 30 0
                                    

Chapter 19

Isang malakas na tapik ang nagpagising kay Dale. Muli kasi siyang naidlip sa biyahe.
Napapagod nga siya sa kakatingin sa labas.

Si Edward naman ay prente lang na nagmamaneho na
para bang wala itong balak kausapin siya.
“We’re here,” deklara ni Edward.

Isang madilim na kagubatan ang bumati sa kaniyang ulirat. Napakadilim at tanging ang
ilaw na mula sa sumisilip na sinag ng araw ang nagsisilbing liwanag.Bigla siyang nahintakutan.

“Nasaan na tayo? Anong ginagawa natin dito? Pluto na ba to?” eksaheradong tanong niya.

Ang totoo, nababalot na siya ng sobrang takot. Iginala niya ang paningin sa paligid.

Mayamaya ay nakarinig siya ng kakaibang huni ng hindi niya mawari na hayop. Hindi niya
namalayan na bigla siyang napakapit kay Edward.

“Ang sabi mo magtatrabaho tayo.” Muli niyang iginala ang mga mata. “Saan?”
Nakakapangilabot ang itsura ng kagubatan na kaniyang nakikita.

Sobrang taas ng mga
naglalakihang puno. Ang yayabong at maging ang sikat ng araw ay natatabunan nito.

Nagsalasalabid din ang naglalakihang baging nito, masukal na para bang hindi pa napapasok na
gubat.

“It’s right here.” Sagot ng kausap subalit nahihimigan niya na gusto ng matawa nito sa
takot na ipinapakita niya.

Parang gusto niya itong batuhin ng hawak niyang flashlight. “Right here, where? Sa
nakikita ko, we are in the middle of nowhere. Like in the jungle with no houses at all.”

“Exactly.”
“At anong ginagawa natin sa kagubatang ito?”

“Magde- date,” Edward said sarcastically.

“What? Are you kidding me?” naniningkit ang mga matang tanong niya.

Dahil lang sa pagsakay niya sa biro ng ina nito kaya siya nito ginaganito.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon