16

382 31 1
                                    

Chapter 16

Sa point of view ng mga taong nakapalibot sa kaniya, sawa na raw siya sa kaniyang buhay
kaya kung anu- ano na lamang ang ginagawa.

In short, walang patutunguhan ang kaniyang buhay.
Para sa kaniyang kuya Luis, isa siyang frustrated rebelious. For her close friends, she’s just simply a friend who they could trust on.

Or to put it simply, she is a normal person in an
abnormal world.
“And exactly what you are doing?” untag ni Edward.

Imbes na sagutin ay masamang tingin ang ipinukol niya rito. Parang hindi naman nito
nakuha ang ibig sabihin ng tinging iyon.

Bagkus ay nameywang pa ito at gumanti rin ng
nakakapangilabot na tingin. Hindi na siya nakatiis.
“Bakit ba, ha? Hindi porke ikaw ang amo ay gaganiyan- ganiyanin mo na ako.” Naiinis na
sabi niya.

Natahimik ito na para bang hindi makapaniwala sa narinig. Tila dini- decipher nito ang
kaniyang sinabi. Well, you heard it right, buddy! Gusto niyang ipagsigawan dito.

“Sinasabi mo ba na minamaltrato kita as an employer?”
“Sa palagay mo ba’y hindi?”
“Of course not!” mariing protesta nito.

Of course not-in mong muka mo kapre ka! “You barge in this room and yelling like I did some criminal
offense. Ano sa palagay mo ang tawag doon sa ginawa mo?”

“As an employer, may karapatan naman siguro akong pagalitan ang empleyado ko kung
hindi siya dumating sa nakatakdang oras na itinakda ko sa pagtatrabaho niya.”

Nyenye… She just blabbered it to herself. Parang wala siyang narinig mula rito.
Ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa.

Mauubos ang oras niya sa pakikipagkompronta dito.
“What are you doing?” tanong nito.

“Ano sa tingin mo?” balik- tanong niya rito. “Inaayos ko po ang hinihigaan ko, Sir. Ayaw
ko naman maparatangang ahas na basta lang iniwan ang kaniyang pinagbihisan.”

“That’s exactly my point. Masyado nang nasayang oras ko sa kahihintay sa iyo. Tanghali ka na kung gumising, kung anu-ano pa ang inuuna mong gawin.”

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon