Chapter 21
Bahagyang nawala ang takot na kanina lang ay namayani sa kaniya. Ang presensiya at
pakikipag- usap ni Edward sa kaniya na para bang matagal na silang magkakilala ang nagsilbing
distraction niya.“Wala akong panahon sa mga ganyan. Pero kung may pagkakataon man, siguro mga sci-
fi movies ang panonoorin ko. Wait,” marahang kumunot ang noo nito na animoy may naaalala.“Akala ko ba ang hilig ninyong mga babae ay puro drama?”
“Nah, hindi patok iyon sa akin at sa mga circle of friends ko. Napakadramatic na nga ng
buhay namin, dadagdagan pa ng buwelta ng iyak.Nakakadagdag ng stress ‘yun. Mas gugustuhin
ko pang manood ng cartoons sa maghapon kesa balibagin ang puso ko sa drama.” Hindi niya
intensiyon subalit bigla na lamang siya nakadama ng kalungkutan.“Sorry!”
“For what?”
“Mukha yatang may napaaalaala ako sa’yo sa takbo ng usapan natin.”“Hindi naman. Nasagi lang sa isipan ko ang mga parents ko. Paminsan- minsan, kapag
drama ang pag- uusapan, sila agad ang pumapasok sa isip ko.”“What happened to them?” Nasa tono nito ang simpatiya.
Hindi siya nakasagot agad. Pinagmasdan niya si Edward. Parang iba tao ito. Kanina lang
nagbabangayan sila tapos ngayon nagbibigayan ng simpatiya.Isn’t it something? O, talagang
pareho silang may sapi.“Sorry again! I don’t mean to pry.” Hinging paumanhin nito. Na- misunderstood nito ang
pananahimik niya.“Yay, ano ba to. Sorry ka ng sorry. Sabi ko nga di ba ayoko ng drama. Lalo na ngayon.
Mula
ng maulila ako sa magulang, madalas akong nalulungkot. Pero naiisip ko rin niya na hindi nila
kagustuhan ang iwan kaming magkapatid, kaya bilang respeto sa alaalang iniwan nila, nangako
akong hinding- hindi magpapadala sa anumang kalungkutang dulot ng buhay.Kahit gaano
kahirap, pagsisikapan kong magiging masaya. Kaya no more silly sad stories.”Wala siyang narinig na komento sa kausap. Mabuti na lang dahil ayaw na niyang ungkatin
pa ang nakaraan.“You know what, I like you.” Maya- maya ay sabi ni Edward sa kaniya.
All out alert naman ang kaniyang five senses. Tama ba ang kaniyang naamoy este narinig
pala?Edward like her. Did he really voice it out?Agad rumehistro ang sagot sa kaniyang utak. Napangiti siya. Shaks! Sinasabi na nga ba
niya na talagang malakas ang kaniyang karisma at walang lahi ni Sadam Hussein ang pwedeng
dumedma sa kaniya.
BINABASA MO ANG
VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)
AdventureTEASER Ulilang Lubos ang Magkapatid na Luis At Marydale ngunit di pinabayaan ni Luis ang nakakabatang kapatid. Pinaaral at inalagaan. C Marydale na My kakulitan Sinasadya at di- sinasadyang napadpad sa lugar na kung ituring ng kaniyang Kuya Luis...