61

470 26 0
                                    

Chapter 61

“The day after na magtapat ako sa iyo, hindi ko sinasadyang marinig ka na may kausap sa
telepono. You sound so sweet back then. I was so jealous. Akala ko pinaglaruan mo lang ang
damdamin ko. My mistake, hindi ko inantay na tapusin ang pag- uusap niyo. O di kaya,
kinompronta na lang kita at deretsang tinanong. Hindi na sana tayo umabot sa ganito. Dale I’m
really sorry. Please believe me kung sasabihin kong mahal na mahal kita.”

“You were saying na dahil lang sa maliit na insidenteng iyon kaya nasayang ang dalawang
taon ng pagsasama sana natin?”
Tumango ito bilang pagsang- ayon.

She swear. Lokong buhay to. Gumilid siya papunta ng
likod ng kaniyang kotse.

“Where are you going?” takang tanong nito.

“Hahanapin ko lang iyong baseball bat dito na madalas kong dinadala. Asan na nga ba
yun?” binusisi niya ang dating pinaglagyan niya nito.

“Marydale naman. Katatapos ko lang magconfess ng undying love ko sa iyo. Hindi ba
dapat sasagutin mo rin ako ng oo at hindi? But I prefer the first option kung sakali. Aanhin mo ba
ang baseball bat?” tinulungan na rin siya nito sa paghahanap.

She found it. Pinagulong- gulong niya sa kaniyang palad ang handle nito.

“Tinatanong mo kung ano ang gagawin ko rito?” she smiled sweetly.

“Papatayin na muna
kita bago mo malalaman ang sagot. Yaahh…” sinugod niya ang nagulat na si Edward.

Parang expert
sa kung fu itong umilag bago pa tamaan ng baseball bat. Awtomatikong lumayo ito sa kaniya.

Hindi siya makapaniwala. Dahil lang sa maling akala kaya kapwa sila nagdusa ng
dalawang taon.

“Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na huwag makinig sa usapan ng may usapan. Yaahh…”
She hissed while trying to hit him.

Nakaiwas itong muli.

“Paulit- ulit na lang na sinasabi na ang
daming nagpatiwakal dahil sa maling akala. Hindi ka ba nadala.”

Buong puwersa siyang bumwelta. Hindi na ito umiwas. Hinablot nitoo ang hawak niyang baseball bat.

Umiyak siya sa tindi ng sama ng loob. Pinagbabayo niya ito sa dibdib. Hinayaan lang siya
nito.

“Ang sama- sama mo.” Hindi maampat ang luhang sabi niya.

“Alam ko.”
Masuyo siya nitong niyakap.

“Galit ako sa’yo.”

“Galit din ako sa sarili ko.”

“Mahal pa rin kita.”

“Mahal… you do?”

“Naman.” Humihikbing sambit niya.

“Dale, pareho nating alam na hindi natin maiibalik ang dalawang taong nawala sa atin.

Hindi ko maipapangako na magiging perfect ang pagsasama natin. Ang maipapangako ko lang,
mamahalin kita sa paraang kaya ko.

Tama na ang pa- tweetums natin. Pwede bang magkasal na
tayo. Will you marry me?”

“Asan ang singsing?”

“Hindi na ako nag- aksaya pa ng panahon sa paghahanap ng engagement ring. Ang gusto
kong isuot sa’yo ay wedding ring na. Nadala na ako sa engagement na yan. Dapat authentic
marriage na para satin.”
Ayos. Pareho pala tayo ng iniisip.

“Tara tawagan natin yung bestfriend ni Kuya Luis na
nagkakasal. Suhulan natin at nang makasal tayo ora mismo.”
Then they both laugh at themselves.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon