10. Middle Of Jungle

497 29 0
                                    

Chapter 10

It was her notification tone. Binasa niya ang kaniyang notification. May nag- like sa
kaniyang status and at same time ay may nagpadala ng comment, galing kay Ellise.

Itinuturing niya itong matalik na kaibigan dahil naiintindihan nito ang kaniyang sariling
mundo.

Minsan kasi ay out of this world ang kaniyang naiisipang gawin.
“Parang may pinaghugutan lang ah,” basa niya sa komento nito na binuntutan ng
maraming smiley icons.

“You won’t believe kung saang parte ng Pilipinas ako ngayon.” Excited na tugon niya sa
binuksang private conversation.

Hindi niya dapat ibinabalandra sa madlang- earth ang kaniyang
latest escapades. “Like I’m in the middle of the jungle you wouldn’t dare to come.”

“Saan naman yan? As if may bago doon.” parang naiimagine niya kung ano ang reaksiyon
ng mukha nito sa tuwing ibinabalita niya rito ang kaniyang bagong pinagkakaabalahan.

Agad
naman niyang ipinamalita ang eksaktong lugar na kinaroroonan. Eksaherado itong sumagot ng
‘huwaat?’ at kung anu- anong pang social networking language.

“And my new found boss is so sexy and gorgus!” pang- iinggit niya.
“Ok… spell mo nga siya.” nababasa niya ang excitement ni Elise sa paraan ng pagtugon
nito.

Madalas na nakukuha ang attention nito kung lalaki ang pinag- uusapan.
Actually, mas matino itong kausap basta love o lalaki ang topic.

Sa sarili nitong mundo,
umano ay si MacCoy ang nilalaman ng puso nito. Nasisira lang ang umuusbong na
magandang pagsasamahan nila dahil sa panggulo ng animo’y ex- bf na si Nikko.
Idagdag pa ang patay na patay na si Wil Boromio. Sagad nga kung gumana ang imahinasyon
nito.

So far, walang ganoon kagulong love twist sa kaniyang sariling mundo. Kontento na siya
sa paglagalag kung saan niya magugustuhan.

“Syur gurl. Alam mo naman ang lola mo, hindi madamot pagdating sa ganiyan.” Dali-dali  niyang ibinigay rito ang vital status na naaalala niya about Edward.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon