15

421 30 2
                                    

Chapter 15

SAPILITANG bumangon si Dale mula sa patihayang pagtulog. Umaga na at batid niya na
kailangang gisingin ang natutulog niyang diwa.

Kailangan niyang galingan ang performance
ngayong araw nang sa ganoon ay ma- impress sa kaniya si Edward. Tumingin siya sa alarm clock na
nakapuwesto sa mesang hindi kalayuan sa kanyang kama.

Alas-siyete pa lang pala ng umaga.
Napasimangot siya. Nakakatamad pa talaga! “Hahaay…” hikab niya sabay inat ng
kanyang katawan.

Paboritong rutin niya ang paghihikab sa umaga. Ito ang paraan niya ng
pagtatanggal ng negative energy sa katawan. Bigay na bigay niyang ibinuka ang bibig.

Tiyempo naman na iyon ang eksenang naabutan ni Edward.
“Aba, mabuti naman at naisipan mo pang bumangon. Sa palagay mo ano ang matatapos
natin kung ganitong tanghali ka na kung gumising.” Parang manlalapa ng taong bungad nito sa
kaniya.

Sumama ang kaniyang timpla. All the negative energy was still inside her. Ang totoo, early
morning is not her favorite part of the day to work or to socialize for the matter.

Tulog pa rin ang
kasi kaniyang sense of communication and sense of humor sa mga oras na tulad nito. May sarili
siyang time zone ng pagtulog at paggising.

Three to eleven in the morning ang normal sleeping
hours niya. The rest of the remaining time is for her to do anything under the sun that suits her.

“Good morning to you too!” sarkastiko at paasik niyang tugon. “Don’t you know how to
knock? Ibabalik na talaga kita sa grade one!” Padarag na bumangon siya.

This is not a good way
to start a day, ngitngit ng kalooban niya. Sinimulan niyang ayusin ang kaniyang higaan. Natutuhan
niya itong gawin noong magkolehiyo siya.

Living independently taught her a lot.
Hindi nagkulang ang kaniyang kuya Luis sa pagbibigay sa kaniya ng kaniyang material
support, plus her untouch share sa kanilang family business.

Siguro kung inungot niya na bigyan
siya nito ng personal assistant while studying, hindi ito magdadalawang isip. But, as most
socialites would say: it is not her cup of tea.

In her point of view, she is neither spoiled nor rebellious type. Sa katulad niyang
ipinanganak na may ginto sa bibig, napakapredictable ng magiging takbo ng pag-uugali.

Kung
hindi mayabang magiging pariwara. Siya malabo. Hindi niya ipinangangalandakan ang estado ng
kaniyang buhay pero gusto niya ang comfort na nabibigay ng salapi sa kaniya.

Ang mapariwara
naman ay hindi niya napiling landas. Iba lang siguro ang paraan niya ng paglabas ng angst sa
buhay.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon