Chapter 24
“Know what? Hindi naman sana ganito ka- boring ang pamumulot kung kakausapin mo
ako. Tapos sasabihin mo sa akin kung bakit natin ito ginagawa o kung ano talaga ang dapat na
pupulutin. Specific instructions kumbaga.”Patuloy na pangungulit niya kahit mukhang walang
balak itong kausapin siya.Napahikab siya ng di- oras. Wari namang hindi napansin ni Edward ang
kaniyang ginagawa kung kaya itinodo na lamang niya. Sinundan pa niya ito ng super stretching
upang mawala ang negative energy.“Are you that sleepyhead?” biglang untag ni Edward ngunit hindi naman siya nilingon.
“Galing nun, ah. Naka- concentrate ka sa iyong ginagawa subalit aware ka pa rin sa
ginagawa ko.”Saglit na tumigil ito sa ginagawa at nilingon siya. Mabuti naman dahil likod lang nito ang
napagpipiyestahan niya magmula pa kanina.Agad na kasi niyang namimiss ang bawat galaw ng
mukha nito. Whew! Ganoon agad ang epekto nito sa kaniya.“Sa lakas ng hikab mo, kahit si superman doon sa Kronos naririnig ka.”
“E, may super powers naman yun kaya natural na naririnig iyon. Uy ha, nagdyo- joke ka
na rin ngayon ha. Nakikiuso ka na rin? Pero kulang pa rin. Konting polish pa at pwede ka ng
isalang.”Gusto pa sanang niyang tapik- tapikin ito ngunit madumi ang kaniyang kamay.
“Anyway,
tungkol sa tanong mo, I’m not that usually sleepy. Sa trabaho ko kailangan ng puyatan kaya lang
naiibsan iyon dahil may mga distractions. Dito wala namang distraction maliban sa iyo tapos ayaw
mo pa akong kausapin. Nagtooth brush naman ako kanina kahit sobrang pinagmadali mo ako.Oo, alam ko na makulit ako kung minsan…”
“Really?” Sabad nito. “Sigurado ka na minsan lang?”
Tumaas- baba ang kaniyang kilay.“Alright, sabihin na nating hindi miminsan na makulit ako, pero maano bang sagutin mo rin ako paminsan- minsan. Karapatan ko iyon. ‘Di ba I’m your
employee? Kaya dapat lang na alamin ko iyong job description ko. Like gagawin mo ba akong
kargador, taga- aliw, tagapulot ng hindi ko alam… mga ganoon. Magaling naman akong
magdecipher ng mga bagay- bagay kaya hindi ko kailangan ng mahabang explanations… mga
ganoon.”
BINABASA MO ANG
VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)
AdventureTEASER Ulilang Lubos ang Magkapatid na Luis At Marydale ngunit di pinabayaan ni Luis ang nakakabatang kapatid. Pinaaral at inalagaan. C Marydale na My kakulitan Sinasadya at di- sinasadyang napadpad sa lugar na kung ituring ng kaniyang Kuya Luis...