11

475 32 2
                                    

Chapter 11

He was standing five feet and eleven inches to six feet tall. Magaling siyang magtantiya
pagdating sa usaping height. Eh paano kinulang siya. Five feet and six inches lang siya.


Kahit ata iyong diskarte ng buwis- buhay niyang high heel shoes ay di uubra kay Edward. Sa
taas nito, kailangan pa niyang tingalain.

Naman, may kapre din palang pinoy. Although
matangkad ito, walang bakas ito ng ibang lahi.

He also possessed a dark, proving eyes, matched with thick lashes. Halos mamatay sa
inggit ang kaniyang pilikmata. Pwede bang mag- exchange- gift sila ng lashes?

Grabe- grabe talaga! Crooked nose pero bagay naman sa pangahang hugis ng mukha nito.
Ayon sa research na nabasa niya sa internet, ang mga lalaking may ganitong uri ng ilong ay usually
fearless, malakas ang kumpiyansa sa sarili, manipulative, impossible, and born warrior. My kind
of men.

“Whew! Face pa lang ‘yun?” palatak ni Elise matapos niyang ibigay dito ang tulo- laway
na itsura ni Edward.

May tatlong nakakalokang emoticon pa itong inilagay. “Naku po buti hindi ka
naglaway.”

“Muntik na! Akalain mo yun. May pagala- gala pang tulad nito sa Pilipinas. And take note,
ito ang naghire sa aming company. Ibig sabihin hindi ito basta- basta. Madatung siya, te.”

“Ay gusto ko yan, Dale. Dali, give mo contact number niya at ng matrabaho ko agad.”
“Anong gusto, gusto yang pinagsasabi mo. Hindi puwede!” Mabilis na protesta niya.

“Weee… Bakit may paganyang- ganiyan ka ng nalalaman ha? Bago ‘yun a. Anong hangin
na naman ang pumasok diyan sa pihikan mong utak?”
Natawa siya sa reaksiyon nito.

“Siyempre nasa kagubatan ako kaya more oxygen here.
More food for the brain kaya lalong gumagana.” Pero tama naman ang kaniyang kaibigan.

May katuwiran nga ito. Bago nga sa kaniya ang ganoong ugali. Nagtataka rin siya sa sarili kung bakit
ganoon na lang ang pagkapossesive niya sa bagong boss.

Hindi naman siya naging ganoon sa
ibang guwapong lalaking nakilala niya. Kung tutuusin madami pa nga siyang nakilalang mas higit
ang kagandahang lalaki rito.

“Di ba sabi nila sharing is loving and loving is sharing.”
“Tse! Solohin mo yang kasabihan mo.”

“Tse, tse ka rin! Madamot.” Natawa siya sa huling sinabi nito. Marami pa sana siyang
sasabihin nang biglang may kumatok.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon