Chapter 12
Isang matandang babae ang nabungaran ni Marydale. May bitbit ito na isang tray ng pagkain.
“Magandang gabi sa iyo, iha. Nakita ko kasing bukas ang ilaw ng silid mo. Baka kako
nagugutom ka. Wala ka pa raw kinain mula kaninang tanghali.”“Nakakahiya naman sa inyo ahm…”
“Tawagin mo akong nanay Alisia, iha. Naku huwag mong isipin ang hiya. Hindi maganda sa
katawan ang nagpapalipas ng gutom. Isa pa, bisita ka ni senorito Edward. Dapat ka naming
alagaan.”“Ah… eh… hindi po. Nagkakamali ho kayo. Hindi ako bisita ng senorito niyo. Isa lang po
ako sa binabayaran niyang...”
Nanlaki ang mga mata nito.“Isa kang bayarang babae?” Hindi makapaniwala nitong
tanong. Kung hindi niya naagapan ay baka nabitiwan na nito ang tray na hawak.
Kuntodo ang iling niya.“Naku, nanay Alisia naman! Hindi po!” Ang sarap kutusan
matandang to, nagmana sa amo nitong hindi naturuan ng good manner and right conduct.Ang
sarap ibalik sa grade one! Hindi pa nga siya tapos magsalita, nag- conclude na agad.“Ang ibig ko pong sabihin isa rin ako sa mga magiging tauhan na babayaran at hindi isang bisita. Isa po akong investigative researcher. May ginagawa po kasing project proposal ang amo
niyo kaya niya hi-ni-r e niya ang kumpaniyang pinapasukan ko.” Malumanay na paliwanag niya
rito.Baka kasi mamiss- interpret na naman nito ang bawat sasabihin niya.
“Ah ganoon ba. Pagpasensiyahan mo na ako.” Sincere naman ang paghingi nito ng
paumanhin.“Huwag niyo po alalahanin ‘yun. Salamat na rin sa pagkaing inihanda ninyo.”
“Ubusin mo yan, ha. Ang buong akala namin ikaw na ang inuwing dyi-ep ni senorito.Ang
ganda mo kasi, iha. Alam mo bang, ang swit- swit tingnan kung paano ka niya binuhat papunta sa
kuwartong ito? Parang yung sa sinusubaybayan kong drama sa TV.” Parang kinikilig pa itong
tumawa.She instantly like the old woman. Nagsasabi ito ng totoo. Maganda talaga ang lahi nila.
“Talaga po nanay alisia?” Namilog ang mga matang turan niya rito.“Oo. At ang kuwartong ito ay para talaga sa mga espesyal na bisita.” Dagdag na imporma
nito.Parang kiniliti ang kaniyang puso sa sinabi ng matanda. Ibig sabihin may something na
nararamdaman sa kaniya si Edward.Of course, why would he give that special treatment on her.
Nae- excite tuoly siya sa something na iyon.
“Matulog na kayo nanay Alisia.” Napapitlag siya sa biglang pagsalita ng pamilyar na boses
sa kaniyang likuran.Namumungay ang matang nilingon niya ang nagsalita. At tama ang kaniyang
sapantaha, nakatayo si Edward sa may hambla na pinto.Sa taas at laki nito, pwede na ito gawing
kurtina ng pinto. Ah, malamang na magiging isang magandang tanawin ito sa umaga kapag
nagkataon.“I hope you’re fine in this room.” Walang sigla nitong sabi habang binigyang daan si nanay
Alisia upang makalabas. Nagpahabol siya ng pasasalamat sa matanda na tinanguan lang nito.
BINABASA MO ANG
VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)
AdventureTEASER Ulilang Lubos ang Magkapatid na Luis At Marydale ngunit di pinabayaan ni Luis ang nakakabatang kapatid. Pinaaral at inalagaan. C Marydale na My kakulitan Sinasadya at di- sinasadyang napadpad sa lugar na kung ituring ng kaniyang Kuya Luis...