43

388 35 0
                                    

Chapter 43

“Sino ba ang me sabi na gawin mo yon? Pwede namang gumamit ka ng duplicate key at
buksan ang pinto. May padaan- daan ka pa sa bintanang nalalaman.”

“Malay ko ba kung hindi mo dinoble lock sa loob.”

“Hinintay mo na lang sana na humupa ang sama ng loob ko.”

“Malay ko rin ba kung ten years pa ang palilipasin mo bago humupa yan. If I know kayong
mga babae, kung maka- tantrums parang walang bukas.”

“Hello! Magugutom at magugutom ako kaya sa ayaw at sa gusto ko, lalabas ako ng silid
na ito para kumain. Mabilis ang metabolism ko kaya hindi ko kaya maghibernate ng kahit bente
kuwatro oras man lang.”

“Hindi ko nga alam, di ba? Hindi pa tayo sobrang close para alam ko kung paano
tatantiyahin ang ugali mo.”
Nagregidon ang puso niya sa narinig.

“Gugustuhin mo naman ba?” nagtatapang- tapangang tanong niya habang inaalam ang magiging sagot nito.

Nilinga siya nito at nagtama ang kanilang paningin. Umiwas siya. Baka hindi niya
kakayanin ang magiging rejection nito.
Patlang.

“Bakit ba matanong kang tao? Lahat na lang may tanong ka. Kung ako naman magsasalita,
lahat may katuwiran ka.” He started to break the silence.

“Of course. Brayt ako. One of the kind.” Kunwa ay nagmamalaking tugon niya. But deep
in side, she is afraid. Natatakot sa pagsibol ng kaniyang unang pag- ibig.

At sa isang lalaki pa na
katulad ng distansiyang kinalakhan nila, ganoon kaimposibleng maging sila.

Gumalaw ito at sinadyang alisin ang kaunting distansiyang namagitan sa kanila. Umusog
siya. Gumalaw muli ito. Marahan siyang siniko.

“Gamutin mo na lang ang sugat ko. Sige na.”
malambing na ungot nito.

Tumayo siya. Hindi kinaya ng powers niya ang sobrang pagkakadikit ng katawan nila. Her
knees literally trembled.

“Hindi ako nurse.” Pagtatakip niya sa kabang nararamdaman. Ngunit dumiretso na rin siya
sa kanugnog na CR upang kunin ang emergency medical kit.

Nilinis niya ng sugat nito. Hindi naman sobrang napuruhan gaya ng inaakala niya.

Mapapabilis sana ang pagkilos niya kung hindi lang niya nararamdaman na mataman nitong
pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Sobrang naiilang siya.

“There,” nanginginig na sabi niya matapos balutin ang sugat nito.
Sinipat nito ang kaniyang masterpiece.

“Ang galing. Walang- wala sa mga nurse namin
dito.” Nang- aakit ang mga ngiti nito.

Hindi siya sumagot. She might give in to his charms. Mabubuking ang kawawang puso
niya.

Iyon lang and all the rift between them is solved.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon