Chapter 18
“Ma, mahigit dalawang oras ko siyang hinintay dahil may usapan kami.” Mahinahon
nitong paliwanag sa ina.Humarap sa kaniya ang ginang, may kakaibang kislap siyang nababasa sa mga mata nito.
“Iyon naman pala hija, may date naman pala kayo nitong si Edward, hindi maganda na
pinaghihintay ang mga lalaki.”“Po?!” gulat niyang reaksiyon sa sinabi nito. Tama ba ang kaniyang naririnig?
“Ma, naman!” mabilis na reklamo ni Edward.“O, e di ba kasasabi mo lang na may usapan kayo nitong si Marydale?” patay- malisya
nitong katuwiran.“May usapan pero sa trabaho, hindi iyon isang date.” Halatang pilit na pinahihinahon nito
ang boses.“Date pa rin ang tawag dun. Que sa trabaho o hindi, date ang tawag kapag may
napagkasunduang pag- uusapan ang dalawa o higit pang individual.Kaya nga may family date,
group date, work date, friendly date, etcetera. Kahit nga ang isang tao pwede makipagdate sa
kaniyang sarili, sa kaniyang alagang pusa, sa kaniyang halaman, sa kaniyang…”“Alright, ‘Ma! I get your point.” Nailing na wika ni Edward.
“Sabi ko kasi sa iyo, e. Mas marunong ka pa sa nanay mong matalino. Sige na Marydale,
maghanda ka na para sa date ninyo nitong si Edward. Kanina pa yan naiinip sa iyo. Magpaganda ka
ng husto, ha.” Inakay na nito si Fenech palabas ng kuwarto at may kindat pang pahabol sa kaniya.Wow! Mukhang may balak itong maging matchmaker. Tiningnan niya si Edward. Napaka-
fresh ng dating nito sa simpleng kupasing pang- itaas nito at sa maong pants nito.Ay! Que guapo
naman! Ang saya dahil inirereto siya ng ina nito sa kaniya.
“Life is good!” buwelta niya bago pumunta ng banyo upang maligo. Iniwan niyang
naguguluhan si Edward.
BINABASA MO ANG
VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)
AdventureTEASER Ulilang Lubos ang Magkapatid na Luis At Marydale ngunit di pinabayaan ni Luis ang nakakabatang kapatid. Pinaaral at inalagaan. C Marydale na My kakulitan Sinasadya at di- sinasadyang napadpad sa lugar na kung ituring ng kaniyang Kuya Luis...