S E V E N T E E N

2.5K 58 1
                                    


(A/N: Fast forward tayo mga beshie, love yah muahh)

Third Person POV

Kasalukuyang naghahanda ang lahat para sa paguumpisa ng Periodical Test. Whole Day kasi ito at no recess policy kaya ang haba ng pila sa Cafeteria dahil magbabaon na lamang ang mga estudyante. Dumating sila Fear at ang kanyang mga kaibigan.

Humawi ang crowd at pinauna ang mga ito. Sumunod naman ang dalawang gang nasa likod lang sila ng tatlo. Sumunod ay ang SSG officers na nasa likod lang din ng mga gangs. Natapos ng umorder sila Fear at pagharap nila nagulat sila sa nakita nila. Natawa naman ang mga nasa likod nya.

"Buti na lang at may posisyon na si Queen Fear nako kung hindi... Nilagutan na yan ng hininga nga mga gangs." -Girl 1

"Oo nga. Anjan na yung bf nya oh! Bagay talaga silang dalawa. OMG! KINIKILIG AKO!!" -Girl 2

Napangiti na lamang si Pres ng marinig nya ito. Pagdaan ng tatlong magkakaibigan ay siniko ni Cal si Fear.

"Good luck!" masayang bigkas ni Cal sa mga ito.

"Good luck too." walang emosyong sabi ni Fear.

Halata na badtrip parin ito kay Pres dahil sa punishment. Habang mahaba ang pila sa cafeteria may isang babae na nagmamasid sa mga estudyante.

"Malapit na. Malapit na ang itinakdang panahon." ani nito at pumasok na.

Laine POV

Halata kay Fear na beastmode ito. Kaya naisipan naming huwag na lamang kausapin. Baka kami pa mapagbuntungan. Malapit na kami sa room ng maiihi si Ellise kaya napacr na lang din kami.

"Hindi mo talaga sya hihiwalayan no? Warning lang... Hindi uso dito ang salitang pag-ibig." nagulat kami ng magsalita ang babaeng naghuhugas ng kamay. Nanliit naman ang mga mata ni Fear. It seems na magkakilala na sila.

"Team CR ka talaga. Kung hindi uso pwes ipapauso ko. Wag kang bitter. Hindi din kasi uso sakin yun." napatawa naman si Fear pero halatang fake laugh lamang ito.

"What if he's just using you? To make his plan successful? Do you still love him despite of all? Kaya mo pa kayang panindigan ang salitang mahal kita sa taong ginagamit ka lang? Use your mind Fear not your heart. Pakawalan mo ang demonyo na nandyan sa loob mo. Para magawa mong makita ang mga taong totoo sayo. Yung mga taong hindi ka ginagamit para maging safe sila." At tumingin ito samin. Wow lang ah! Kung bigwasan ko na kaya to ngayon? Below the belt na!

"If you wont shut your fucking mouth I wont hesitate to rip your fucking throat down to you damn ass. Burn your ugly body and rot you where I used to be, hell!" mariin sabi ni Fear at lumabas na. Nakakatakot ang aura ni Fear. Maski ako nagulat. Sino ang babaeng iyon?Magkakilala na sila ni Fear?

How?

Fear POV

Bwisit na babaeng yon. Lalasunin nya pa utak ko? Lasunin ko sya eh. Kasalukuyang nagte test na kami. Dumungaw ako sa bintana. Umaga pa lang pero parang pahapon na.

"Natatakot ako." napalingon ako sa nagsalita. Si Candy.

"Why?" Naguguluhang tanong ko.

"Mag-ingat kayo Fear. Baka mamaya bigla na lang may sumaksak sa likod nyo." tangi nyang sinabi at yumuko na para ipagpatuloy ang exam nya. Hays! Makapag focus na nga lang. Baka bumagsak pa ako.

After Class...


"Fear keep safe. Bye" tanging sinabi ni Candy. Nilapitan ko naman si Pres.

"Hi." Panimula ko natigilan sya sa pagligpit ng mga gamit nya at humarap sa akin.

"Sorry--" sabay naming sabi napatawa naman kami.

"I miss you damn much my Queen." sabi nito.

"I miss you too my King." masigla kong sabi.

"I have to go at mauuna na ako sa inyo may meeting pa kami. Magiingat kayo. I love you." sabi nito at hinalikan ako sa noo.

"We will. I love you too." at ngumiti na ako. Naglakad na kami palabas ng room. Sobrang dilim na pala. Time check its: 7:37 pm Ang hirap kasi nung Math nakakadugo ng utak jusme!

"How does it feel, Fear?" napakunot noo naman ako sa tanong ni Laine. "I mean how does it feel to fall in love with a stranger?" dagdag nito.

"Hhmm... I don't know? Hindi ko alam paano ako nahulog sa lalaking yun. Ginayuma ata nya ako hahaha!" halos mageco ang tawa naming tatlo sa corridor.

"Mukhang nagkakasiyahan ata kayo." natigilan kami sa humarang sa amin.

"L-lorde?" nauutal na sabi ni Ellise. Takot kayo dyan?

"Non other than. Pasensya na mga binibini ngunit kailangan ko itong gawin. Para sa inyo rin ito." ang huling katagang narinig ko, namin. Someone cover my mouth with a handkerchief. Nilingon ko ang mga kaibigan ko. Ganoon din sila.

And everything went black.

Devien POV

All plan is set. All I need is their approval about it.

"Paghiwalayin silang tatlo. Basta wag nyong sasaktan. Akin ang mahal ko. Ako mismo ang magsasabi sa kanya. Justine sayo si Laine. Cal sayo si Ellise. Make sure they will agree." sabi ko at umalis na buhat buhat ang aking reyna. Dinala ko si Fear sa unit ko.

Wag ka mag-aalala mahal ko. You just have to trust me. Walang mangyayaring masama sayo, sa inyo ng mga kaibigan mo. Ipinapangako ko iyan. Inihiga ko na ito at tinurukan ng antidote. Bakit? Dahil kailangan. Para ito sa kanya kapag napahamak sya may reresist agad dito.

Maliligo na muna ako. Paggising mo malilinawan ka na sa lahat. Sana lang matanggap mo.

Calster POV

I have to admit. Nahulog na ang loob ko sayo Ellise Dwayne. Hindi ko alam kung kelan at paano. Basta nangyari na lamang. Tinititigan ko lang ang anghel nyang mukha. Her innocent face makes her so adorable.  Her rosy chicks makes me fall so hard. And her kissable lips makes me droll.

"I love you Ellise Dwayne. I promise to protect you always until that day come. I will be your shield. I wont make a promise. I just have to do it because I love you. And I cant afford to lose you." I said and kissed her forhead.

Justine POV

Naturok ko na ang antidote kay Laine. Hays ang babaeng to. Mukha pa lang nya alam mo ng nuknukan ng katarayan sa katawan. Sya ata yung tinatawag nilang Half human, pure maldita bayun? Hahaha ewan! Pero kahit maldita yan mahal ko parin yan.

Mahal na mahal.

MU nga lang ako...

Magisang
Umiibig

But still I can accept it. Because all I want is to love her. Sana pagtapos naming sabihin sa kanila ay pumayag kayo.


Sana.

Heaven Hell Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon