Third Person's POV"Asan na daw sila?" tanong ni Ry sa kanyang parents.
"Malapit na daw sila, anak. Maghanda na tayo." sabi ng Mommy ni Ry. Nababalot ng palamuti ang paligid. Halatang pinaghandaan ang pagdating nila Fear.
*ding dong*
"Baka sila na yan?" kinakabahang sabi ng Daddy ni Ry.
"No, malayo pa sila sa Village dad baka parents yan nung dalawa." sagot naman ni Ry habang nakatutok sa kanyang cellphone.
"Ok ako na ang magbubukas sa kanila." ani ng Mommy nya. Tama nga si Ry. Ito nga ang magulang nila Ellise at Laine ang dumating.
"Welcome at Lim residents. Come in." sabi ng Mommy nila Ry at nagbeso sa mga bisita nya.
"Malayo pa ba sila? Can't wait to see our daughter. How is she na kaya." sabi nung nanay ni Ellise. Matagal ng magkaibigan ang kanilang mga magulang hindi lang nila alam. Dahil gaya nila Fear at Pres.
They're also Vampires.
"Andito na sila!! Patayin nyo na yung ilaw!!" sigaw ni Ry. Nataranta silang lahat nag punta sa isang sulok. Samantalang sila Pres naman ay nakangisi na ng todo.
"Sshh... Manong tara na sa loob." bulong ni Pres sa driver nila. Dahan-dahan silang lumabas at iniwang nakahang ang pinto ng sasakyan para magising ang tatlo. Nilagay narin ni Cal ang arrow na magtuturo kila Fear papasok sa loob ng bahay. Pero nakasarado yung gate hindi nga lang nakalock.
Maya maya ay nagising narin ang tatlo...
"Asan na tayo? Teka Fear!! Bahay nyo to ah?" tanong ni Ellise na muntik ng malaglag sa kinauupuan nya.
"Hala oo nga. Asan na sila Pres?" tanong naman ni Laine. Nagtataka parin ang tatlo bakit iniwan sila nila Pres. Bumaba na sila at lumingon sa paligid.
"May arrow mga sis oh? Kavog!" natawa naman si Laine sa inasta ni Ellise.
"Tara na guys. Pasok na tayo. Maglilinis pa ako ng bahay." sabi ni Fear at nauna na sa kanila.
"We will help you naman. Teka yung gamit natin!" singhal ni Ellise kaya bumalik sila para kunin sa compartment yung gamit nila.
Nadismaya si Fear kila Pres dahil iniwan lang sila ng mga ito. Ni hindi man lang sila ginising at nagsabing aalis na sila. Halata sa mukha ni Fear ang pagiging dismaya dahil nagiba ang aura neto.
Fear POV
Naiimbyerna ako kila Pres. Sobra! Wag lang talaga silang magpapakita sakin. Pagbubuhulin ko silang tatlo. Mga kumag!
"Fear anong lilinisin natin sa bahay nyo eh mukhang malinis naman? Tingnan mo yung damo. Ni hindi man lang lumago tapos yung sprinkler nyo bukas yung totoo? May caretaker ba kayo dito?" nagtatakang tanong ni Laine.
Bago ko buksan ang pinto ay lumingon muna ako sa sinasabi ni Laine. Oo nga bukas yung sprinkler. Wala naman kaming care taker. As far as I know.
Shit! Di kaya may informal settler's na sa bahay ko?! Pagbukas ko ng pinto ay patay ang ilaw. I turn on the lights and then *boom*
I almost jump in shocked!
"Welcome back home!!!" sigaw nilang lahat. Halos mamatay na kami sa gulat sa ginawa nila. Napahawak tuloy kaming tatlo sa dibdib namin sa sobrang gulat. Tinitigan ko ang mga tao.
O_o

BINABASA MO ANG
Heaven Hell Academy
Misterio / SuspensoA school with a lot of secrets. A character's with peculiarity. And a story with a lot of revelations. 'Enter at your own risk.'