S I X T Y O N E

1.4K 29 6
                                        


Fear POV

Sinusugod ako ng mga tauhan ni Lucks pero wala akong kahirap hirap na ligitan sila ng leeg.  Hindi ko nakikilala ang sarili ko ngayon. Nawala ang salitang awa sa akin. Lahat kami ay may kanya kanyang galaw.

'Fear hanapin natin si Lucks' sabi ni Pres sa aking isipan.

'Sa Principal Office. Nararamdaman ko ang presensya nya duon.' Sagot ko naman sa aking isipan. Napatingin ako kay Pres at akmang lalakad na ng madaplisan ako ng bala sa balikat. Shit! Ang sakit.

Nilingon ko kung sino ang may gawa nun...

Keira?

Nasa tabi na nya ang hinahanap namin.

"Hindi nyo na ako kailangang hanapin pa dahil andito naman ako." -Lucks

"Mabait ka talaga noh? At hindi mo na kami pinahirapan pa. Pinapadali mo ang buhay mo, Tita." Natatawa kong sabi rito. Nanlaki ang mata nya ng marinig nya ang tawag ko sa kanya.

"A-alam mo?" gulat nitong tanong. Napansin ko ring nagulat ang lahat except kay Pres at Keira.

"Tita kita pero hindi tayo magkadugo. Wala akong gagong kamag anak. Alam mo bang dahil sayo namatay si Laine?! Of course you know it because it was part of your fucking plan! But let me clarify things up, there's still one last move to destroy you and your shitty plans." I said and *grin*

Tinutukan nya si Pres ng baril. Natawa naman ito. Nilingon ko si Pres at ang dami nyang dugo sa katawan pero hindi ito galing sa kanya. Galing ito sa mga tauhan ni Lucks.

"Really Lucks? Hindi ka parin nagbabago you're still weak. Look at you, nabubuhay ka dahil sa protection ng tauhan mo at ng baril na hawak mo. Pathetic!" -Pres

*bogsh*

Nagulat kami ng sumabog yung building kung saan andun ang units ng mga estudyante.

*bogsh*

Isang malakas na pagsabog na naman ang narinig namin mula sa Canteen at teacher's lounge.

"Weak? Malinis ang pagkakaplano ko rito. Kaya pasensya na kayo dahil ako ang magwawagi sa labang ito lalo na't may alas ako laban sa inyo." Nakangising sabi nito.

Naguguluhan akong tumingin kay Pres.  At halatang nagulat naman ito ngunit pilit nyang itinatago. Ayaw nyang ipakita kay Lucks na makakaapekto ang sinabi nito sa kanya.

'Fuck! Asan na ba sila Lorde at Democraite.' rinig kong sabi ni Pres.

"Nagulat ba kayo? Lalo na ikaw Devien. Ang pinaka PINAGKAKATIWALAAN KONG PRESIDENT." -Lucks

Lumapit si Calster at may ibinulong kay Pres. Sa hindi ko malamang dahilan ay agad akong nakampante dahil sa nakakita  ako ng ngiting tagumpay mula sa labi ng aking mahal.

Third Person POV

"Keira ilabas mo ako dito!! Keiraa!!" sigaw ng dalagang babae. Ngunit walang sumasagot sa kanya.

'Ano ba kasing nangyayari bakit ako kinulong dito?! Paano na yung plano? Paano kung may mangyaring masama kila Fear at Ellise? Hinding hindi talaga kita mapapatawad Keira. Hinding hindi.' ani nito sa kanyang sarili at pilit nagpupumiglas sa kanyang pagkakagapos. Biglang may kumatok sa pintuan kung saan andun ang dalaga. Agad itong nabuhayan ng loob.

"Pasok." Tanging sabi nito. Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang binatang lalaki at batang babae.

"S-sino kayo?" Tanong ng dalaga.

"Huwag kang mag-alala maayos ang lagay mo rito. Ako nga pala si Frost ang kababata ni Fear sya naman si Dian ang nakababatang kapatid ni Devien." -Frost. Napatitig ang dalaga sa batang babae.

Heaven Hell Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon