Third Person POV
Nang matapos ang kasiyahan ay lumabas na sila Mr. and Mrs. Lumia ng Academia kasama ang kanilang mga magulang. Umalis na rin ang magulang nila Fear dahil may aasikasuhin pa daw ang mga ito sa negosyo nila.
Bumaba narin sila Fear at ang kanyang mga kaibigan dahil magrereview pa sila para sa Finals nila. Napagisip isip ang mga ito na what if kaya kung sila na yung nasa posisyon ngayon ni Rylee. Paano kung sila na yung ikakasal?
Samantalang sila Pres at ang dalawa nyang kaibgan ay nakipag pulong sa counsel.
"Hindi pwedeng maunahan nila tayo." ani nung counsel.
"Paano nila tayo mauunahan nasa atin na yung rare materials? Ang kailangan nating gawin ngayon ay humanap ng gagawa nito. Ibig kong sabihin yung peke na kamukha ng mga ito at para maibaon na natin ito malapit sa Red Tree sa baba." pagpapaliwanag ni Calster.
"Paanong nasa atin na ito?" tanong nung isang Counsel. Nakahalata si Pres na may kakaiba sa Counsel na ito. Ito kasi yung kakapromote lang.
"The mouse are trying to bury the kitten but the mouse didn't know that the kitten is still alive pretending that he's dead. When the mouse ready to throw the kitten, the kitten stand up and throw the mouse into his own greed. " ani ni Pres sa lahat. Umupo ito na animo'y may pinariringgan.
"Anong ibig mong sabihin Pres?" tanong ni Justine rito.
"Kayo ang bahala na umalam nyan. Sya nga pala just to inform you, may iba pang daan palabas ng academya. Dahil nakita ko si Lucks nung time na pabalik na tayo ng HHA that week." halatang nagulat sila sa sinabi nito.
"Ako kaya ang pinariringgan ni King?" Ani nung bagohan sa kanyang isipan. Natawa naman ng bahagya si Pres at napa iling.
"Remember guys? Si Lucks ang sumundo kila Fear. Should I say si Lucks ang nag-utos kay Mark na ibigay ang History Book ng HHA sa tatlong girls. Yet she didn't know about the tunnel that we have. So ibig sabihin may isa pang lagusan palabas ng HHA na ang kalalabasan ay isang magubat na daan. Kung saan dumaan sila Fear nung pumasok sila dito. So our task now is to find the other way out here. At ikaw Justine... We will talk later." sabi ni Devien sa lahat.
Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat na tila ay ayaw pumasok sa kanilang isipan ang mga sinabi ng kanilang hari.
"Maari na kayong umalis. Kayong dalawa maiwan." ani ng kanilang hari. Umalis na ang tatlong Counsel ngunit gaya ng sabi ng kanilang hari naiwan ang dalawa nitong kaibigan.
"Watch that new counsel. Hindi ko gusto ang mga kinikilos nya." Utos nito sa mga kaibigan nya.
"Ahh kaya pala nagparinig ka kanina." Sabi ni Calster.
"Justine lumabas ka ng HHA para magpagawa ng pekeng rare materials. Alam ko meron sa France, merong nagawa duon." Sabi nito kay Justine. Napanganga naman si Justine. Hindi makapaniwala sa inuutos ng kanyang kaibigan.
"WHAT?! FRANCE?!" gulat nitong tanong.
"Yeah as in Paris, France." Bored na sagot ni Devien.
"Great dude! Haha! Good luck!" Pilyong sabi ni Calster habang tinatapik ang balikat ni Justine.
"Anong France?! Are you fucking serious? May digmaan pa sa France bro! DIG.MA.AN." sabi ni Justine na gulat na gulat talaga.
"Cursing is not allowed here and its no exceptions remember? You signed that rule so now your punishment is go to France and make sure that you will do what I've just said a while ago. Do I make myself clear?" napa-sigh na lang si Justine. Alam nya sa kanyang sarili na wala na syang magagawa pa kaya't sapiltan itong umoo.
May phobia ito sa France dahil muntik na syang maglaho dati nuong pumunta sya rito. Hindi digmaan ng tao ang tinutukoy nilang digmaan. Kundi digmaan ng mga bampira. Digmaan sapagitan ng colony ng Amerika at ng Pransya.
Bagamat si Pres parin ang hari ng lahat. Nagtalaga parin ito ng pinuno sa bawat mga bansa . Upang mas mapatahimik ang buong Vampire Colony. Normal ang digmaan para sa kanila lalo na kung may nagawang kasalanan ang isa sa kabilang panig.
Natapos na ang pulong ng tatlo kaya napagpasyahan ng mga ito na bumaba na upang maghanda sa nalalapit na nilang Finals.
Sa kabilang dako ng Academia...
"BILISAN NYO! ANG BABAGAL NYO KUMILOS!!" sigaw ng babae sa mga tauhan nito na nagbubungkal ng lupa sa likod ng Cafeteria.
"Sigurado ka bang andito iyon?" tanong sa kanya ng isang guro.
"Ito na lamang ang hindi natin nabubungkal na parte ng HHA." sagot nito ng hindi nililingon ang kanyang kausap.
"Nagkakamali ka. Sa ilalim ng Red Tree. AT sa ilalim ng SSG Office. You still have 2 choices left incase na wala dito ang ating hinahanap." napaisip ang babae sa sinambit ng guro.
"Tama ka. Hindi naman siguro mamasamain ng Presidente kung maghuhukay tayo sa ilalim ng kanyang opisina, hindi ba? Lalo na't batid nya kung gaano ako kadesperadang makuha iyon. Yun ay kung may tinatago sya kaya aayaw syang hukayan natin ito. Ngunit sa Red Tree? Hindi ko alam kung kaya nating kalabanin ang dalawang Gangs." napagiti ng bahagya ang ginang.
"I have a better plan." ani nito sa kanyang isipan.
"Sabihan nyo ako kapag may nakita na kayo. Andun lamang ako sa opisina ko. Tara na at may gagawin pa tayo." ani nito at nauna ng maglakad.
Pagkatapos ng ginawa nila...
"Ibigay mo ito sa kanya and make sure he will sign it. Gawin mo ang lahat para mapirmahan nya yan. Naiintindihan mo ba?" Utos nito kay Mark. Ngumisi ng bahagya ang binata.
"Masusunod." ani nito at lumabas na.
"War ba kamo, Pres? I'll fine with it." ani nito at tumawa ng nakakatakot.
Devien POV
"Ok sige sige." pagsang ayon sa akin ni Fear.
*knock knock
"Pasok." sabi ko. Bumukas ang pinto at iniluwa si Mark.
"Oh Mark, ano ginagawa mo rito?" masiglang tanong ni Fear. Bakit kailangan may pag-ngiti tss.
"Pinapipirmahan daw po ito ni Mrs. Lucks." halos mabulunan naman si Fear sa iniinom nyang tubig ng marinig ang sinabi ni Mark. Natawa tuloy ako.
"Ok sige maupo ka na lang dyan." sabi ko rito. Akmang uupo ito sa tabi ni Fear ngunit tinaasan ko ng kilay kaya napatigil sya.
"Ang sabi ko maupo ka lang hindi ko sinabing maupo ka sa tabi ng girlfriend ko." natawa naman ito.
"So obsess." ani nito hindi ko na lamang pinansin at binasa na ang sulat.
"WHAT THE FUCK! IS THIS SERIOUS?!" napasigaw ako sa gulat. Ipapahukay nya ang ilalim ng opisina ko. Edi makikita nya yung tunnel namin.
"Sabihin mo I need more time thinking about that dahil mawawalan ako ng privacy kapag ginawa nya iyon." maawtoridad kong utos rito.
"Ok po." aniya at tukuyan ng lumabas. Sinasagad mo talaga ako Lucks. Bumakas ang pinto at inuluwa nito ang dalawang kaibigan ni Fear na hingal na hingal kasama si Lorde at Strella.
"Oh pati ba naman kayo?" tanong ni Fear sa kanila.
"Alam na namin ang pangalawang lagusan." napatayo naman kami ni Fear sa sinabi ni Ellise.
"SAAN?!"
"Sa Teacher's Lounge." hingal na hingal na sabi ni Laine.
"Kung sa Teachers Lounge paano kayo nakapasok duon?" nagtatakang tanong ni Fear. Oo nga paano sila nakapasok?
Hindi naman sila part ng Staffs ng School kaya hindi sila basta basta makakapasok.
"Nakapasok kami because of my smart brain." pagmamalaki ni Laine. Pareho kami ni Fear na napataas ang kilay sa sobrang inis. Inis sa kahanginang taglay ni Laine.
BINABASA MO ANG
Heaven Hell Academy
Mystery / ThrillerA school with a lot of secrets. A character's with peculiarity. And a story with a lot of revelations. 'Enter at your own risk.'
