Biglang bumukas ang pinto ng kwartong kaharap ko at dumungaw ang babaeng nakahair net na green habang nakababa ang mask nya.
"Ma'am, paki-process na lang po ng admission ni misis dahil manganganak na po sya, para po dire-diretso na lang pagkatapos."
tango ang isinagot ko dito tsaka sumarado ulit ang door.
"Tito, dito na lang po muna kayo at ako na bahala sa admission ni tita." tarantang tumango lang din sya
Lakad takbo ang ginawa ko pababa papuntang admitting section.
"Sir, paki-fill up na lang po neto."
"Hah, ahh o sige po." Ahihi, sir daw!
Ay syet! Anong klaseng ballpen ba naman 'toh, walang tinta! Dinala ko na lang yung mga papeles na binigay sakin at tumakbo palabas ng hospital. Kastress! Ang hirap maghanap ng ballpen! Natagalan tuloy ako sa pagbalik ng papers.
"Ahm, miss eto na po." sabay abot sa staff
"Ayy, buti at nakaabot ka... tagal mo bumalik."
"Hehe..." yan lang ang nasagot ko sa kanya
Marami pa syang sinabi sakin at kung anu-anong pinirmahan at sinulatan ko then binigyan nya ako ng dalawang watcher's pass.
"Here, congrats po."
"Thank you." sabay ngiti ng pagkatamis
Tumakbo na ulit ako --sarap ng buhay ko-- kasama ang mga papeles na binigay sakin nong babae at naabutan ko si tito nakaupo sa isang banda. Huh? Ayos! Bat parang mas pawis pa sya sakin?
Nang makita ako ay tumayo na sya...
"Rain, antagal mo... kanina pa ako kinakabahan dito."
"Ayy sorry, kase marami pa po ako pinirmahan sa baba eh."
"Sos maryusep! Kinakabahan ako... andaming doctor ang nagsipasukan at nagtakbuhan papasok sa Labor room." mukhang nagpapanik na si tito ahh
"Eh?? Baka nanganganak na po si tita."
Lakad dito, lakad don... yan ang nakakahilong ginawa nya habang pareho kaming tahimik na naghihintay. Gesh! Nakakabuang maghintay dito...
"Alonzo!"
Mabilis pa sa alas kwatro akong lumapit sa nurse.
"Congratulations, the baby was healthy."
Haaay! Buti naman! Nakahinga kami ni tito ng maluwag ng sabihin yun ng nurse. Hiningi lang nya sakin yung proof ng admission at bumalik muli sa loob tapos nya kami sabihang pwede na kami maghintay sa loob ng room na dadalhan kay tita. Pero we insisted to stay, kasi naman si tito di parin mapakali. Hmmm...
Ay! Anyways, ako nga pala si Lorraine Rivera, 19 and a 5th yr college student. Hehe! Tita ko yung nanganak. Just saying.
"Oh ano, masakit?" tatawa-tawa kong tanong kay tita
Tumango naman sya with a slight pouted lips.
"Masakit, nahiwaan pa nga ako eh. Medyo malaki kasi si baby."
"Eeeee! Ano ba 'yan... Hala sige mag-anak ka pa ulit tita, ewan ko na lang."
"Ansama ng ugali mong bata ka! Umalis ka na nga, tawagin mo mama mo."
"Nah! Ayoko oy... sakit binti ko kakatakbo kanina."
Ilang sandaling kulitan pa namin ni tita ay pumasok na din naman si mama. Parang di lang nanganak eh noh... ang kulit pa rin!
Medyo gumagabi na rin kaya nagpaalam na akong uuwi dahil walang susi yong mga kapatid ko sa bahay, baka kinain na ng uwak ang mga yun kakaintay.
BINABASA MO ANG
My Lady In White (gxg - girlxgirl)
Teen FictionWe met perfectly ... But ended painfully.