Chapter 2

10.2K 142 6
                                    

 CHAPTER 2 

 
Maaga akong gumising kinaumagahan dahil ayokong makasabay siya. Hindi ko alam kung bakit ba ako umiiwas.

 Paalis na ako ng bahay ng may marinig akong tumatawag sakin....

 "Michael, Michael..... ah eh pwede bang sumabay sayo? Or I mean kahit pahatid na lang sa sakayan ng jeep.?" Ano ba? Sinusubukan nga kitang iwasan. Paano ko maiiwasan kung siya ang kusang lumalapit.   
 
 “Saan ka ba pupunta bakit ang aga mo?" Next time hindi na ako gigising ng maaga at magpapakatangahali na lang. Tsk!
 
 “Malamang sa school, nahihiya kasi ako kaya gusto kong pumasok ng maaga."Wow ah.  
 
"What? Nahihiya ka? Kanino? Sa nanay mo? Sa akin hindi ka nahihiya?" Ikaw tadhana nahiya ka ba? Sinabi ko ng lalayuan, gumagawa ka talaga ng paraan.

 "Ang sungit mo naman, sige wag na lang maglalakad na lang ako hanggang sakayan. Kapag may nangyari sakin ikaw ang malalagot kay mama.” Talagang nangunsensya pa.  
 
 "Oo! Sige na sumakay ka na. Wag kang ngunguso-nguso dyan baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at makagat ko yan." Sagot ko at sumakay na sa sasakyan. Hindi ko na siya pinagbuksan dahil baka mamaya kapag napalapit ako sa kanya hindi ko na talaga mapigilan.  

Sumakay naman siya sa sasakyan ng dahan dahan at hindi ako tinitingnan. Ano namang problema niya ngayon?  

 “Aaa.. Salamat.” Sagot niya habang kinakagat kagat ang labi.

 Aisst! Sinabing wag ngunguso, kinagat-kagat naman. Ako dapat ang kumagakagat niyan e. Tsk!

 Tahimik lang akong nagdadrive habang siya ayun naka-upo. Napapansin ko naman na pasulyap sulyap siya sa akin, hinayaan ko na lang. ‘Dedmahin mo Michael tandaan mo, bawal. Sa edad kong labing anim nakakapagdrive na ako as a student driver.   

 "Michael, bakit ang sungit mo na ngayon? Noong nagkita tayo sa sementeryo hindi ka naman masungit ah. Ang daldal mo nga noon eh." Sabi niya na nagpagulat sa akin. 
 
 "Ikaw bakit ang daldal mo na? Noong huli nating kita ang tahimik mo, umiiyak ka pa nga noon." Panggagaya ko sa sinabi niya. Kinakabahan ako. Dahil sa boses niya. Gustong gusto ko simula pa noon ang maganda niyang boses. Ang mukha niya. Ang katawan niya. Teka! Teka! Bakit ka umabot doon Michael? Tsk.  
 

"Tss! Sungit. Malamang naman araw ng libing ng pinakamamahal kung tao yun kaya ganon ang ayos ko." 
 
"Pinakamamahal? Are y-you a le-les…?" Whaaaat? Ano daw? 
 
"Whaaaaat? Ano ba? Porket mahal mo babae lesbean na agad? Hindi ba pwedeng kaibigan lang? Kapatid? Bestfriend? Tita? Auntie? WOW makapanghusga huh?” Hay! Akala ko naman... 


"A.ayusin mo kasi. Saan ba ang school mo hahatid na kita?" 

"ST. Benedect High School" Saan daw?Nabibingi na ba ako?
 
"What? Schoolmate tayo?" 
 
 "Doon ka din nagaaral? Wow small world." Yeah. Small world. 

 "Haaaaay bakit hindi kita nakita noon p.a" bulong ko sa sarili ko. 
 
  "Ano yun?" tanong niya. 
 
 "Wala, sabi ko sabay na tayong pumasok."

 Bakit ba hindi ko siya nakita sa school kung doon din siya nagaaral. Malaki ang school namin, Oo. Pero maraming nakakakilala sa akin dahil sa mga barkada ko at madalas akong nasasali sa Mr. St. Benedect.

“Hindi kita nakikita sa school. Sabagay sa isang lugar lang naman ako madalas tumambay.” Sabi niya na parang nabasa niya kung ano ang tanong sa isip ko.

Saan kaya siya madalas tumambay? Hindi. Hindi ko na pwedeng alamin.   


"Aaaahhh Michael, uhmm dahil sa magkapaatid na tayo ngayon pwede bang maging magkaibigan na rin tayo? Wala kasi akong kaibigan since nung namatay yung bestfriend ko eh. Pwede ba?"
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kaibigan lang ba talaga?
 
 Hindi lang pakikipag-kaibigan ang gusto ko Samantha. Pagibig mo. Ang  puso mo ang gusto ko,  ang buong ikaw. 
 

"Pero okay lang kung ayaw mo, hindi naman ako namimilit." dugtong niya ng hindi ako nakasagot. 
 
“Okay. Okay sure. If that’s what you want.”  

 Makokuntento na ako kung ano ang pwede. Tama na siguro ang makuntento kung ano ang ibinibigay sa iyo. Ang humiling pa sa sobra ay isa ng malaking pagkakamali.

Buong maghapon hindi ako lumalabas ng classroom. Nanahimik lang ako sa loob ng classroom ko. Nagtataka na nga sina Patrick at Cyrus dahil sa pananahimik ko ngunit sinabi kong hayaan na muna ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kung gawin.

 Kapag ipinagpatuloy ko ang nararamdaman kong ito, maraming masasaktan. Isa na si mommy at daddy doon. Hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ni Samantha. Kung sasabihin ko naman, ano ang mangyayari? Iiwas siya sa akin? Diba yun naman dapat ang mangyari Michael? Ang iwasan ka niya. Dahil kapag lapit siya ng lapit sayo mas lalo ka lang hindi makakapag-pigil.

 ‘Aaaah! Ang sakit na ng ulo ko kakaisip. Puta****a Michael. Nagandahan ka lang sa kanya, tigilan mo yang hormones mo. Ahh!’

 Nababaliw na ako dito. Kausapin ko ba naman ang sarili ko. Tsk! Lumabas na lang ako at hinanap ang mga kaibigan ko. Hindi naman ako nahirapang hanapin sila dahil nakita ko sila sa canteen kasama ang mga kaibigan din naming mga babae.

 Lalapit na sana ako sa kanila ng mapatingin ako sa kaliwang bahagi ng canteen. Naka-upo sa isang monoblock at ngumingiti sa mga kausap niya. Akala ko ba wala siyang mga kaibigan? Sino yang mga kasama niya? May lalaki pa? Tsk!

 Nang mapatingin siya sa akin ay binigyan naman ako ng magandang ngiti at kinawayan ako. Agad ko namang inilipat ang paningin ko sa mga kaibigan ko na nasa dulong bahagi ng canteen. Hindi ko siya pinansin.

 Pagdating ng uwian. Nagmadali ako papunta sa parking lot wag niya lang akong maabutan. Gagawin ko ang lahat wag lang muna kaming makapag-usap hanggat hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Hanggang sa magulo pa ang utak ko.                              

Ilang araw na ang lumipas. Hindi ko siya sinasabay pumasok. Ginagawa ko ang lahat maiwasan lang siya, maiwasan lang itong nararamdaman kong ito. Pero paano ko maiiwasan kung sa araw araw na magkakasalubong kami ang ginagawa niya ay ganito?

“Michaelllllllllllllllll… Michael. Hoy Michael.” Naglalakad ako sa school ng makita kong makakasalubong ko siya ay agad akong lumiko, ngunit mukhang hindi ako nakaligtas sa paningin niya.

“Michael… Iniiwasan mo ba ako?” Sabi niya ng maabutan niya ako sa paglalakad.

“Huh? Anong iniiwasan? Hindi. Busy lang talaga ako. Sige ha. Aalis na ako dami ko pang gagawin.” Pagtangi ko at agad ng tumakbo paakyat sa classroom ko.  

                                                         

_______________________________________________________

**Jack_Frost18**

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon