Chapter 3
"Pare, ano natulala ka na naman. Bakit? Yung babae na naman ba?" sabi ni Patrick ng napansing nakatulala ako. Lunch break na at nakatambay lang kami dito sa library mas gusto ko dito tahimik, si Cyrus lang naman ang maingay eh.
Dalawang linggo na ngayon simula ng iwasan ko si Samantha. Tanghali na akong umaalis sa bahay gaya ng sabi ko. Nagkakaproblema nga lang ako sa first subject ko. Kahit naman top one ako sa subject na yun hindi pa din sapat yun para umabsent ako ng klase.
Hindi ko pa din nasasabi sa kanila na ang babaeng alam nila ay ang soon to be sister ko at hindi pa din naman nila nakikilala si Sam. Dapat ko na bang sabihin? May matutulong kaya ang mga ito? aaaaaaaahhh...
"Tol, wag mo na nga isipin yun ang daming naggagandahang babae ang nakatingin satin oh, yan na lang wag na yung babaeng ang tagal tagal mo ng hindi nakita." sabi ni Cyrus habang nakahawak sa beywang ng babaeng schoolmate din namin."Nakita ko na siya."
"What? Kailan? Saan? Bakit hindi mo naman ipakilala sa amin?" gulat na sabi ni Cyrus at biglang binitawan ang babaeng hawak niya at lumapit sakin.
Ikinuwento kong lahat sa kanila ang nangyari, na naging dahilan ng pagnganga ni Cyrus samantalang si Patrick ay simpleng nakikinig lang at hawak pa din ang librong binabasa.
"Bakit hindi mo ligawan? " sohestyon ni Patrick habang binabalikan na ang ginagawa kanina.
"Dude alam mo ba kung gaano kahirap yun? Ama niya ang makakalaban niya tsaka masasaktan si tita Maria." Kontra naman ni Cyrus ng naka- konut noo."And ipapakilala na ni Dad si Samantha sa boung bussiness partner niya next month," sabi ko ng nawawalan na ng pagasa.
"Kung mahal mo maraming paraan at kung hindi naman tigilan mo na. Alam mo ang magiging resulta ng lahat ng desisyong gagawin mo. Hindi lang ikaw ang maghihirap, pati yang babaeng yan." sagot ni Patrick habang tumatayo at iniwan na lang kami."Saan na pupunta yun? Tsk! Tara na nga babes alis na din tayo." Reklamo ni Cyrus.
Anong paraan ba ang sinasabi ni Patrick? Tsk!Mahal ko na ba talaga siya? Ano na ang dapat kong gawin?
Naglalakad na ako sa parking lot ngayon at malapit na sa sasakyang dala ko ng may mamataan akong babae na nakaupo sa hood ng sasakyan ko. Aist! Mukhang wala na akong takas ngayon. Tsk!
"Kanina ka pa ba?" tanong ko.
"Ah medyo pero okay lang."
"Bakit hindi mo na lang ako pinuntahan sa room ko? Alam mo na naman diba?”
"Pumunta ako kaya lang nahiya ako eh, ang daming magaganda tsaka pinapalibutan ka nilang lahat. Kapag kinausap din naman kita doon sasabihin mo na naman marami kang ginagawa. Kaya dito na lang ako nagantay.” Wala na nga akong takas.
"Okay tara na. Pasensya na busy lang talaga."
Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung anong gagawin ko. Kilangan ko ng makapagdesisyon bago siya maipakilala ni dad. Pero kakayanin ko ba? Alam ko ako kaya ko, pero paano kung si Samantha hindi? ‘Ahh! Michael! Hindi mo pa nga alam kung pareho kayo ng nararamdaman e! Ahh!’ Simula ng maramdaman ko itong lintik na pagbilis ng puso ko para sa kanya nagumpisa na akong mabaliw. Baliw sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Sister
RomancePaano kong mahalin mo ang isang taong alam mong hindi maari? Sinabi na sayong bawal, ipagpapatuloy mo pa ba? Kaya mo bang panindigan ang kasalanang magmahal ng isang.................. KAPATID........... Ano nga kaya ang mangyayar...