Chapter 7

7K 127 8
                                    

Ilang araw na rin since ng nangyari yun. Wala akong ibang ginawa kundi ang pasayahin siya.  Binibigyan ko din siya ng bulaklak at sticky note's sa locker room niya gaya nito.....

"Ang pag-ibig ko sayo parang LANGKA..... LANGKAtapusan." kasama ng isang rosas na puti. Inutusan ko si Cyrus na ilagay yan sa locker niya.

Ninakaw ko nung nakaraang araw ang susi ng locker ni Samantha at pinaduplicate. Katalino kong bata kaya ayan ang daling buksan.

Nasundan pa yun. Gaya nito..

"Gusto ko ng MAGNUM.. Para ako ang MAGNUMber one sa puso mo."

"Mura lang daw ang PUSO ko, pero ng dahil sayo NAGMAHAL ito." 

"PEDICAB ka ba? PEDICABang maging GIRLFRIEND?"

"Sana GUITARA ka na lang, para habang KUMAKANTA ako YAKAP YAKAP kita."

"Hindi ba nilalanggam ang LABI mo? Kasi ang TAMIS TAMIS ng ngiti mo."

"May planeta bang IKAW, kasi IKAW ang MUNDO KO."

"Driver ka ba? Kasi gusto ko ikaw ang MAGPATAKBO ng BUHAY ko." 

Araw araw yan walang mintis. Sabay kaming pumapasok at lagi lang akong nakamasid everytime na bubuksan nIya ang locker nIya, makikita ang sticky note at ang pirasong bulaklak. Para narin akong nanliligaw nito.

One time sabay kaming naglunch...

"Alam mo ba, ang corny corny na ng nagbibigay ng sticky notes na to. Talagang may bulaklak pa huh." sabi niya sakin ng tumatawa.

Mukhang nakalimutan na din niya ang nangyari noon. Okay na rin sakin kahit na sabihin nyang corny basta nakikita ko siyang tumatawa at ngiting ngiti.

"Naco-cornyhan ka na niyan huh? Kung corny yan bakit ka tawa ng tawa?" Sabi ko sabay smirk sa kanya

"Kasi naman eh, ang laos na nito eh. Pick up lines? Seriously? Hahaha." hagalpak niyang tawa.

Wala na akong magawa, ngiting ngiti na lang ako. Ang ganda niya talagang tignan kapag tumatawa.

Dalawang linggo na lang ang natitira kilangan ko na talaga siyang pigilang pumunta sa event na yun. Nagpapamigay na rin sila mommy ng invitation and really?

"MEET THE PRINCESS OF HONTEVEROS PHARMACY?" yun talaga ang nakalagay sa invitation huh. Sa kanya daw kasi nila gusto ialay ang araw na yun. Lalo akong kinabahan anong magiging laban ko? 

Hindi ako sumabay maglunch ngayon kay Samantha. Lunes kaya nasa school kami at kasama ko si Patrick at Cyrus. Syempre puro babae din ang kasama namin. May nagpapaturo saking dalawang babae about sa subject naming trigonometry. Hindi ko talaga alam kung bakit madaming nahihirapan sa subject na ito. Ano bang mahirap sa pagkuha ng measurement ng triagle. Oh sige na ako na mayabang.  Tawanan lang kami ng tawanan dito sa table namin sa canteen ng may marinig ako...

"Princeeeeeee. Lika sabay na tayong kumain." Wow ah kilangang sumigaw.

 

"Okay sige sige." sabi nung Prince daw kuno.

Sino pa ba? Walang iba kundi si Samantha. Hindi ko nga alam kung sino yang kasama niya. Prince! Prince! Tsk!

Hindi man lang ako tinitignan? Nagkukwentuhan lang sila doon habang ang mukha niya ay parang ang saya saya. Sige lang Samantha, mamaya ka sakin.

"Uhmm, Prince Troy Villarante. New student ang gwapo niya no Pearl?" sabi ni Holy isa sa babaeng kasama namin.

"Oh my ghaaad, ang gwapo nga niya at tingnan mo ang katawan my geeee... Pero mas gwapo pa din sa papa Micheal natin Holy noh. Maging loyal ka nga."  Tss. Itong mga babaeng ito makakita lang ng gwapo.

"Of caurse naman no. Wala namang makakapantay sa kagwapuhan ni Papa Michael." Sabi ni Holy sabay haplos sa dibdib ko at kagat labing tingin sakin. Napasmirk na lang ako sa kanya at tumayo.

"Dude. Saan ka pupunta?" tanong ni Cyrus.

"May titingnan lang." Umalis na kasi sila Samantha nang dumating ang iba nyang kaibigang babae.


Andito ako ngayon sa harap ng classroom niya. Nagaantay. Saan naman kaya sila pumunta? Hindi din naman nagtagal nakita ko na siya. Pumasok na sa classroom ang mga kasama niya at nakita kong sinenyasan niyang susunod na siya. Lumapit siya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Narinig kong may halong inis ang salitang yun. Siya pa may ganang mainis?

"Sino yung Prince na yun?" sabi kong tunong inis.

"Hala ikaw pa may ganang magalit huh? Samantalang may madaming babaeng nakapalibot sayo." napanganga ako doon sa sinabi nya. Bakit parang nahihimigan ko ang selos doon?

"Nagseselos ka ba?" sabi ko ng nakabawi kasabay ng pagtaas ng sulok ng labi ko.

"S-selos ka dyan. U-umalis ka na nga may klase pa kami." Tatalikod na sana siya sa akin kaya hinablot ko ang braso niya para mapalapit siya sa akin.

"Bakit ka nabubulol?"

"Pwede ba hindi ako nabubulol, napalunok lang ako. Umalis ka na." at talagang iniwan nga ako?

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon