Chapter 21

4.5K 90 10
                                    

ENJOY READING...............

==============================================

 

Nakita kong palapit sa akin si Janelle kaya ibinigay ko sa kanya ang Mic at tumakbo ng palayo sa lugar na yun. Ganyan ba katindi ang galit mo sa akin Michael?

"Samantha." rinig kong tawag ni Troy. Pero dinedma ko lang tumakbo lang ako ng tumakbo.


"Samantha ano ba? Huminto ka na saan ka ba pupunta?" tawag ni Janelle.

"Iwan nyo muna ako please. Kahit ngayon lang." hindi na din naman sila sumunod.

 

Nakita ko ang hawak kong cellphone at mukhang narinig ni Liam ang lahat. Itinapat ko sa tenga ko ang phone ko at....

"Samantha hello... hello? Shocks Samantha naririnig mo ba ako? Samantha.." pinatay ko na ang cellphone ko. "Sorry Liam but I dont want to talk to anyone now." bulong ko.


Nakarating ako sa hindi ko alam kung saan basta ang alam ko lang ay tahimik at ang tubig dagat lang ang naririnig ko. Lumapit ako sa dalampasigan at dinamdam ang mainit na tubig na humahampas sa paa ko. Mainit na hampas at kapag nawala ay ang malamig na hangin ang pumapalit.

 

Hinubad ko ang tsenelas at ang maxi dress na suot ko. Naramdaman ko ang malamig na hangin sa buong katawan ko.

 

Naglakad ako papunta sa malalim na parte ng dagat, nagbabakasakali na sa hampas ng tubig ay mawala ang sakit na nararamdaman ko.

 

Huminto sa lugar kung saan ang tubig ay umabot hanggang dibdib. Should I let you go? or should I ask you first? What do you want me to do?

 

Dahan dahan kong itinaas ang kanang paa ko at sinunod ang kabila na naging dahilan ng unti unting paglubog ng buong katawan ko.

 

Sana ganoon lang kadaling kalimutan ka, sana kaya ko din gawin ang lahat ng ginagawa mo. Sana hindi ko na lang pinakinggan ang sinabi ni mama. Sana ipinaglaban kita noon. Sana hindi ako naduwag. Sana sa akin ka pa din ngayon.


Sana ganoon lang kadaling gawin ang lahat.

 

 

Di paghinga sa ilalim ng tubig kasabay ng malakas na alon ang naging dahilan ng pamamanhid ng puso ko. Wala na akong maramdamang kirot o sakit. Walang paninikip ng dibdib. Ngunit mukha mo lang ang nakikita ko.

 

 

===================================================

 

Nagising ako na nasa kama na ako. Ano ba nangyari kagabi? Ang alam ko nasa dagat ako eh. Ang alam ko nalulunod ako pero bakit nasa kama na ako ngayon?

Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng kama at nakita ko ang nahihibing na natutulog na si...........

"Liaaaaaaaaaaaaaaaaaaam...." malakas kong tili na naging dahilan ng pagkahulog nya sa kama dahil sa gulat.

 

"Samantha naman papatayin mo ba ako? Ang sakit pa nga ng balakang ko nangugulat ka pa. Nagising na lahat ng taong natutulog dahil sa sigaw mo. Tsk." nakakunot noo nyang sabi at tumayo ng hawak hawak ang balakang.

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon