Chapter 33

3.4K 58 1
                                    

Dedicated sa kanya. Salamat po sa pag-appreciate ng story na ito. :) Wag po kayong magsasawang basahin ang story ko hehe :) salamat po ulit enjoy :)

---------------------------------------------------------

“MAHAL KITA MARIA…. “

Ramdam na ramdam ko ang pag-galaw ng labi niya sa ibabaw ng labi ko ng mga oras na sinabi niyang ang mga salitang yun. Tama ba yung narinig ko? Paano? Bakit? Pero?

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nakatingin lang ako sa kanya, nakikita ko siyang gumagalaw, nakikita kong gumagalaw ang labi niya, pero bakit wala akong marinig? Bakit ang naririnig ko lang ay ang puso kong sobrang bilis ng pagtakbo, nagtatatalon, para niyang pinupokpok yung dibdib ko at sinasabing buksan mo ito lalabas ako.

Naririnig ko din ang mga salitang sinabi ni Art kanina. Paulit ulit..

“Mahal kita Maria….”

“Mahal kita Maria… “

“Mahal….  Kita….. Maria..”

Hanggang sa bigla na lang akong may naramdaman na lumapat ulit sa labi ko. Pinipilit buksan ang mga labi. Malambot, masarap, nakaka-halina, nakaka-hypnotize. Parang gusto kong gayahin yung ginagawa niya.

Niya?

Niya? Sino?

Napapikit pikit ako. Hanggang sa matauhan ako at makita ko si Art na hinahalikan ako, nakapikit ang mata at hawak hawak niya ang mukha ko. Naitulak ko siyang bigla at nasampal ng pagkalakas-lakas na naging dahilan ng pagdugong muli ng labi niya. Napatayo ako at nagpalakad-lakad ng pabalik balik habang pinipiga-piga ang daliri ko. Ayaw pa din huminto ng puso ko. Hindi na ako makahinga. Pinokpok ko na ang dibdib ko at huminga ng napakalalim. Ginawa ko ng paulit-ulit yun hanggang sa marinig kong magsalita si Art.

“I am sorry. I didn’t mean to make you nervous but I am not sorry that I kiss you.” Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Rinig na rinig ko ang lungkot sa boses niya ng sinasabi ang mga salitang yun.

“A-anong? Ba-bakit? Pa-paano? Magkapatid tayo.” Nanatili akong nakatalikod sa kanya dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nakita akong kakaibang emosyon sa mga mata niya.

Samantha’s POV

 

She’s telling me her story now. Hindi ako makapaniwala na nangyari na noon ang mga pinagdadaanan namin ni Michael ngayon. Ang ipinagkaiba lang ay ang nagkasama sila ng matagal na panahon bago nagkaaminan. Kami ni Micael una pa lang, alam na naming mahal namin ang isat isa, kung hindi kami hinarangan wala na sanang problema. Wala nga ba?

“Kamusta si Arthur noong umalis ka?” Sinabi ko kay mama kanina kung ano ang nangyari sa bahay noong wala siya.

“He is fine. Nagbabantay si nanay Ising sa kanya sa ospital o kaya si Janelle.” Tiningnan ko siya matapos kong sumagot. Kitang kita ko ang lungkot at ang pagaalala sa mga mata niya. “Bakit?” napatingin siya ng may pagtataka sa mga mata ng itanong ko iyon kaya dinugtungan ko na. “Bakit mo ako pinagbawalan noon? Alam mo kung ano ang nararamdaman ko noon para sa kanya pero bakit?” hindi ko alam kung narinig ni mama ang tunog ng pagkainis sa boses ko. Naiinis ako dahil bakit pakiramdam ko hindi ako pwedeng maging masaya? Ngumiti siya matapos niyang maproseso ang tanong ko. Ngiting hindi umabot sa mga mata.

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon