Chapter 12

4.5K 91 6
                                    

Umuwi ako ng Antipolo hindi ko siya hinabol para saan? Pero bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko? Andito na ako sa kwarto ko at hindi ako makatulog bakit siya pa din ang laman ng isip ko? Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko, tinawagan ko siya gusto kong malaman kung nagselos ba siya? Kung ano ang nararamdaman niya?

 

Ilang ring pa at sinagot na nya....

"Hello?" Bed room voice.

 

Nakatulog na nga siya, baka mali lang ang iniisip kong nagseselos siya. Bakit ba ako nagaassume pa?

"Hello, Michael?" Nakita na siguro niya kung sino ang tumawag.


"Samantha, pwede ka pang magpaliwanag tatanggapin ko ang paliwanag mo sabihin mo lang na mahal mo pa ako." narinig kong huminga siya ng malalim. Ano ang ibig sabihin ng hiningang yun?

"Michael, wala akong dapat ipaliwanag sayo. Sinabi ko na niloko lang kita. Sorry if nasasaktan kita." yun lang yun? Ganoon na lang? Sa tingin ba nya ganoon lang kadali mawawala ang sakit sa simpleng sorry lang?

 

"May kinalaman ba ang tatay ko dito? Kinausap ka ba niya?" pero bakit umaasa pa din ako?

"Michael no. Ano ba hindi ka na ba nakakaintindi ngayon huh? Ako ang may kasalanan, hindi ang ama mo. Hinahanap ka na nya ngayon kaya umuwi ka na. Matutulog na ako bye." And she hung up.


Masakit sobrang sakit. Siguro nga bulag talaga ang pagibig, wala naman akong sinaktan ah? Pero bakit ang laki namang paghihirap ang binibigay nya sa akin?

Nakatulog na pala ako habang nagiisip kung ano ang gagawin. Pagkagising ko kinaumagahan inasikaso ko ang manggahan.

"Mang Andoy, pwede ko po bang dalawin yung manggahan?"

"Oo naman iho, pagkatapus natin kumain sumama ka na lang sa akin doon"

Kumain lang ako ng tahimik. Hindi na din naman sila nagtatanong marahil nakikiramdam lang sila, sa kung ano ang gagawin ko. Hindi nagtaggal naglalakad na kami ni Mang Andoy. Hindi naman ganoon kalaki ang manggahan, mga bente na lang ito ngayon. Dati marami daw ito at dahil sa tumanda na si Don Fernando wala ng nakakaasikaso sa mga fertilizer ng mga mangga kaya napabayaan at paunti unting nauubos kaya ang maraming tauhan noon ay aapat na lang ngayon.

"Mang Andoy, hindi ba kayo nahihirapan aapat na lang kayong nangangasiwa dito sa manggahan?"

"Mahirap pero mas mahirap kasing kumuha pa ng ibang trabahador at wala namang ipapasahod dahil wala din namang kita ang manggahan. Yang tatlong natitirang tauhan na yan hindi na nila ginawa pang umalis dito dahil wala naman silang ibang pupuntahan at kontento na din sa buhay dito."

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon