“How is she?”
“Okay lang po siya Mr. Honteveros. Kailangan lang nating mag-antay hanggang sa magising siya.”
“Kung okay lang siya bakit hindi pa din siya nagigising hanggang ngayon? Dalawang araw na tulog yan eh.”
May naririnig akong naguusap pero hindi ko malaman kung sino. Hindi ko alam kung panaginip ko lang ba ito o ano. Pakiramdam ko nakatulog ako ng mahabang panahon at hindi na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko.
Rinig na rinig ko ang pag-aalala sa boses ng lalaking nagsasalita kanina. Sino siya? Sino ang kausap niya? Sinubukan kong imulat ang mata ko ngunit nasilaw ako sa liwanag ng paligid. Puro puti ang nakikita ko kaya naipikit kong muli ang mata ko. Sinubukan ko ding iangat ang kamay ko ngunit nangangalay ito. Nasaan ba ako? Ano ba ang nangyari. Nangyari? Sa akin? Hindi… Sa amin. Si mama? Nasaan si mama?
Iminulat ko ng muli ang mga mata ko at inikot ang paningin. Nakita ko si Michael na kausap ang babaeng naka-puti. Tiningnan ko ang paligid at napagtantong nasa ospital nga ako. Anong nangyari matapos kong himatayin ng araw na yun? Panaginip lang ba ang mga nangyaring yun? Impossible. Dahil kung panaginip yun wala sana ako sa hospital ngayon.
“M.Mama…” bulong na lamang ang lumabas sa bibig ko.
“Samantha? Samantha.”
Agad agad lumapit sa akin si Michael kasama ang maaring doctor. May kung ano ano siyang chineck sa akin.
“Anong pakiramdam mo Samantha?” Tanong sa akin ng doctor.
“I am thirsty.” Sagot ko at agad namang kumuha si Michael ng maiinom ko.
“Anything else?” tanong muli ng doctor.
“Nothing. I feel fine. Nasaan po ang mama ko?” Nagkatinginan naman si Michael at ang doctor na nagpakaba sa akin.
Hindi maaari. Buhay pa ang mama ko. “Tell me where she is. Buhay ang mama ko. Michael!” Naiinis ako dahil wala man lang akong nagawa para iligtas ang mama ko. Habang siya ay naghihirap ako ito natutulog at nagpapahinga sa walang kwentang higaan na ito.
“Sssh.. Samantha..” Pag-aalo sa akin ni Michael.
“Michael. Tell me where’s my Mom. Tell me she’s fine, please.” Hindi ko na napigilan ang mga luha ko kusa na itong tumulo at kumawala sa mga mata ko.
“Sssh. Samantha settle down. Your mom is fine. Damn! Makakasama sayo yan at sa anak natin!” Rinig na rinig ko ang iritasyon sa boses ni Michael ng mga oras na yun. Ngunit hindi pa din ako tumigil sa kakaiyak.
BINABASA MO ANG
My Sister
RomancePaano kong mahalin mo ang isang taong alam mong hindi maari? Sinabi na sayong bawal, ipagpapatuloy mo pa ba? Kaya mo bang panindigan ang kasalanang magmahal ng isang.................. KAPATID........... Ano nga kaya ang mangyayar...