Chapter 34

3.3K 74 0
                                    

Nagising ako na nananakit ang kamay. Nangangalay ang leeg at binti. Iminulat ko ang aking mga mata na naging dahilan ng panlalaki nito dahil sa nakita ko.

Bakit andito si uncle Arthur? Ang alam ko nasa ospital siya hindi ba? Lumingon ako sa gilid ko para hanapin si mama. Naroon siya nakaupo sa isang silya at walang malay. Nakatali ang kamay sa likod pati na ang mga paa kagaya ng sa akin at kay uncle Arthur.

Hindi ko maisip kung sino ang maaring gumawa nito sa amin? Ang mga kalaban ni uncle Arthur sa business? Sino?

Tiningnan ko kung nasaan kami. Mukha itong lumang warehouse. Mukhang malaki dahil hindi ko makita kung nasaan ang mga pinto. Marami ding mga nagpatong patong na mga tubo.

“Mama…” Mahina kong tawag kay mama. Ngunit hindi man lang siya gumagalaw.

Hinarap ko si Uncle Arthur at tinawag ito ng mga ilang beses kaya na naging dahilan ng pag-galaw niya at pagangat ng tingin sa akin. Napasinghap ako ng makita ang mukha niya.

“Oh my God! Uncle Arthur sino ang may gawa nito?” Duguan ang labi niya at namamaga ang kanang mata.

“Your awake. May masakit ba sayo?” Nanghihinang tanong niya.

“For God sake uncle. Bakit ako ang tinatanong mo ikaw ang punong puno ng sugat at pasa.” Ngayon ko lang napansin na ang kulay brown niyang t-shirt ay medyo basa sa may dibdib na marahil ay dugo. Punit punit na din ang gilid nito.

“I am fine.” Sagot niya kasabay ng paggalaw ni mama.

“Ma. Are you alright?”

“Y.Yes I am.” Sagot niya na pikit ang mata marahil dinadamdam din ang sakit ng katawan. “Where are we?” Inilibot niya ang paningin ng dumapo ang mga mata niya kay Uncle Arthur doon ko nakita ang sakit. “A.Arthur.. Anong ginawa nila sayo?” Ang makita ang taong mahal mo na puno ng pasa at sugat ay talagang nakakapighati.

“I am alright, Baby.” Pilit ngumiti si Uncle Arthur para lang maipakita kay mama na ayos siya.

Hearing him say that indearment my mom melt my heart. Their indearment since before is still the same. A pure love for each other. Kahit na dekada na lang lumipas mahal pa rin nila ang isat isa.

“Wow! Gising na ang ating mg bisita. Good morning everybody.” Ang bosese na yun ang nagpatigil sa pagiisip ko. Sino siya?

 

“George Melendez.” Mahinang tawag ni mama na nagpakunot ng noo ko. Melendez?

“Yes my love. It’s me. Didn’t expect me here?” Nakangising sabi ng lalaki ng lumapit ito kay mama at haplusin nito ang pisngi ni mama.

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon