Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at hinatak ko na ang braso niya.
"Sam, what are you saying? Diba sinabi ko sayo na antayin mo ako? Bakit ka nandito?"
Wala na akong pakialam sa mga taong nag bubulong bulungan sa gilid. I want to know what's happening.
"Michael, what's happening to you. Late ka na nga dumating, bakit nanggugulo ka pa?" Tanong ni dad ng nakakunot ang noo.
"Kuya, niloloko lang kita hindi ko alam na maniniwala ka, I am sorry please. Wag ka na manggulo pa, kung gusto mo sa bahay natin pagusapan." she just look me in the eye hinahanap ko ang emosyong nagsasabing mahal niya ako pero walang akong makita.
Bakit hindi ko makita ang emosyong nakikita ko every time she tells me that she loves me so much. Is that really all lie? Does I am just blind sa pagmamahal ko sa kanya? Naloko lang ba talaga ako?
"Ano ba ang nangyayari Samantha?" Tanong ni dad ng hindi pa din natatanggal ang pagkakakunot ng noo. Habang si mommy ay nakahawak lang sa braso ni dad na parang nagaalala.
"Ah, he is just over reacting for what I did." Sagot niya kay dad. "Please Michael, not here. Pwede naman natin pagusapan sa bahay ito."
Hinanap ko ulit sa mga mata niya ang emosyong nagsasabi na hindi totoo ang lahat ng sinasabi niya. Ngunit wala akong makita. Nasasaktan ako sa klase ng tingin niya.
Tingin na nandidiri, tingin na nagsasabing I don't really love you. Ang tingin na nagsasabing kilangan ko ng lumayo. Kakayanin ko bang mawala siya? Ang tingin na dahilan ng paninikip ng dibdib ko, bakit? Sinubukan ko ulit ngunit nabigo ako. Baka nga mali ako, nagtiwala agad agad.
Bago pa ako maiyak sa harap nilang lahat umalis na ako, kahit na alam na alam ko ng wala na, may unti pa ding parte ng utak ko na nagsasabing baka mali, baka mahal niya ako, baka, baka nga hindi ko alam kung ano.
Ayoko ng magmukhang tanga lalong lalo na sa harap nilang lahat. Unang babaeng nakapanakit sa akin, ganito pala ang pakiramdam na yun. Ang pakiramdam na hindi ka makahinga sinusubukan mo ngunit kirot at hapdi lang ang nararamdaman mo.
Iniisip kong tatawagin niya ako and at the second time bigo ako. Nakaabot na ako sa sasakyan ko ng naramdaman ko ang mainit na tubig ang tumulo sa pisngi ko. Bakit ba ako umiiyak? Hindi dapat ako ang umiiyak kung hindi siya, dahil siya ang nawalan hindi ako.
But God! Damn it. Kahit anong isip kong hindi ako masasaktan syang kirot ng puso ko.
"Samantha, what you have done to me? Naiisip mo ba kung anong sakit ang ginawa mo sa akin?"
Haha baliw na nga ata ako, kausapin ko ba naman sarili ko.
Nang gabing yun dumeretso ako sa Antipolo. Wala akong pakialam ano man ang mangyari sa akin sa daan. Sapagkat sa nararamdaman ko ngayon para na rin nila akong pinatay.
BINABASA MO ANG
My Sister
RomancePaano kong mahalin mo ang isang taong alam mong hindi maari? Sinabi na sayong bawal, ipagpapatuloy mo pa ba? Kaya mo bang panindigan ang kasalanang magmahal ng isang.................. KAPATID........... Ano nga kaya ang mangyayar...