ENJOY READING.....
=======================================
Andito na ako sa isang kwarto dito sa Hotel. Nagaantay sa escort ko. Kinikilig at the same time kinakabahan ako. Ano ang mangyayari kapag sinundo na nya ako dito? Ano ang sasabihin ko? Dapat ko na bang sabihin sa kanya? Relax Samantha Nicole walang mangyayari kung kakabahan ka. Aaah iniisip ko pa lang na maari kaming magsayaw na dalawa at matititigan ko ulit ang mukha nya namimilipit na ang tyan ko sa sobrang kilig.
Nagpabalik balik ako sa paglalakad kasabay ng pagiinhale exhale ko ng may kumatok sa pinto. Natigilan pa ako bago nakasagot ng.....
"Pasok.." Unti unting bumukas ang pinto at iniluwa ang isang babae."Anak." Lungkot ang narinig ko sa boses nya.
"Ma, may problema ba?" tanong ko at nakita kong tumingin sya sa labas ng pintuan at pumasok si......
"Prince ano ginagawa mo dito?" sabi ko.
"Tita Maria, ako na po ang magsasabi sa tingin ko po kilangan nyo ng bumalik doon para sa mga bisita. Bababa na lang po kami doon.""Salamat Prince." tiningnan ako ni mama ng may lungkot sa mukha. Hindi ko maintindihan kung bakit? Ano ba ang nangyayari?
"Prince ano ba ang nangyayari? Bakit malungkot si mama? Tsaka bakit ikaw ang nandito?" gulong gulo kong tanong.
"Samantha kasi, ano.. " nahihirapan nyang sabi.
"Hindi sya ang magiging escort ko, tama ba?""Sam, I am sorry." napaupo ako. "Hinanap namin sya, kaya nga ngayon ka lang namin nasundo. Sinubukan na namin syang tawagan pero... "
"Okay lang Prince, hindi mo naman kilangan magpaliwanag. Pwede mo ba muna akong iwan sandali?" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya."Sam hindi kita pwedeng iwan dito.."
"Prince hindi ako tatakas promise. Kilangan ko lang talaga makapagisip ng sandali and fix myself so please.." pakiusap ko.
Lumabas din naman sya ng kwarto at hindi ko alam kung saan sya pumunta malamang andyan lang yun nakatayo sa labas. Sabi ko na nga ba hindi talaga yun magpapakita, ang tanga ko na naman para umasa pero kasalanan ko ba? Nagmamahal lang ako. Inisip ko lang kung ano ang makakabuti sa kanya.Napatingin ako sa salamin sa harap ko. "Maganda ka naman Samantha pero bakit ang lungkot lungkot ng mata mo? Princess, naalala mo pa ba ako? Malamang naman Princess Elizabeth bakit ako malungkot? Masaya ka ba dyan Princess? Parang napapagod na ako bestfriend. Pwede na ba ako sumama sayo Bestfriend? Pagod na ako."
Ilang beses na ba ako umiyak? Pagod na pagod na ako.
"Samantha, isa lang si Michael. Madami kami. Ako si Troy, si mama, si tito Arthur at si tita Maria. Samantha Nicole marami kaming nagmamahal sayo."
"Samantha wag na wag mo na ulit gagawin yun."
"Samantha I am always thinking of you."
"Samantha hindi mo man sila nakikita, hanggang nandyan sila sa puso mo kasama mo pa din sila.. Just keep FAITH and TRUST and LOVE."
BINABASA MO ANG
My Sister
RomancePaano kong mahalin mo ang isang taong alam mong hindi maari? Sinabi na sayong bawal, ipagpapatuloy mo pa ba? Kaya mo bang panindigan ang kasalanang magmahal ng isang.................. KAPATID........... Ano nga kaya ang mangyayar...