Chapter 29

3.7K 59 3
                                    

Enjoy Reading.....

=======================================================

 

Michael's POV

 

Hindi nila ako pinapalabas ng bahay. Matapos kong makausap si tita Maria wala na ni isa sa kanila ang pumasok sa kwarto ko. Meron man kundi ang ibang katulong at dadalhan lang ako ng pagkain. Ilalapag sa mesa ang pagkaing dala at lalabas na. Wala na akong ibang maririnig kundi ang paglock ng pintuan.


Hindi ko pa din alam kung anong gagawin ko. Hindi din ako kinausap ng ama ko. Hindi nga niya nagawang pumasok sa kwarto ko diba? Ganoon na ba kahalaga ang pangalan nya para saktan ang anak nya? Tsk!

 

Nakatambay lang ako dito sa higaan ko habang nakasandal ang likod sa headboard ng kama ko. Nakatulala at sumasakit na ang ulo sa kakaisip kung anong magandang gawin para lang makuha ang gusto ko.


Kamusta na kaya si Samantha? Wala naman sana silang ginawa sa babaeng mahal ko. Hinding hindi ko mapapatawad ang kung sino mang manakit sa kanya.

 

Biglang naputol ang pagiisip ko ng may marinig akong dalawang taong naguusap sa labas ng kwarto ko.


"Totoo kaya ang balitang ito? Isang truck ng Honteveros na nagdedeliver ng mga gamot sa Cebu ay naglalaman ng mga droga at hindi gamot pang medical?"


"Dude ano ka ba? Hindi dapat pinaguusapan yan dito."


"Ano namang masama? Wala namang makakarinig sa atin. Wala sila boss Arthur at ang asawa nya. Napaisip lang naman ako dahil sa dyaryo na to."

 

 

Ano daw yun? Drugs? Honteveros? Truck? Tama ba ang naririnig ko?

 

Lumapit ako sa may pintuan. Kinatok ko ito at sinubukang kausapin ang mga tao sa labas.



"Manong. Patingin naman po ako nyang dyaryong hawak nyo."


"Yan pare sabi ko sayo. Siraulo ka kasi eh." narinig kong sabi ng isa.


"Ah.. Sir Michael kasi.. ano."


"Hindi ako tatakas. Ibigay nyo lang sa akin yang dyaryo na yan."

 

Wala akong narinig mula sa labas. Nakita ko na lang ng biglang may pumihit sa door knob. Maliit na bukas lang at inilusot ang dyaryong kanilang hawak. Agad ko itong kinuha at bumalik sa kama ko.


Hinanap ko ang binabasa nila kanina. Laking gulat ko ng mabasa ang tittle.


"Arthur Honteveros a DRUG LORD?"

 

Nakita ko ang larawan ng balot balot ng mga cocaine at katabi ang truck ng Honteveros Pharmacy. Nakita daw ang truck sa isang barangay sa Cebu. Napaisip akong bigla. Alam kong may kakaiba sa balitang ito. Wala kaming branch sa Cebu.

 

Ang sabi sa nabasa ko magtatravel daw ang shipment papuntang Malaysia at napahinto sa Cebu. Ang alam ko may mga shipment nga kung minsan pero bihira sa Malaysia. Ano ang nangyayari dad?

 

Hindi ko alam dahil anim na taon akong nawala. Kilangan kong makausap ang ama ko.

 

"Manong.." tawag ko sa mga tao sa labas. "Anong oras babalik ang ama ko? Saan sila pumunta?"

 

"Sir kadarating lang po."

 

"Kilangan ko syang makausap."


Walang sumagot ni isa sa kanila matapos kung sabihin ang mga katagang iyon. Hindi din ako gumalaw hanggang sa nakita kong may pumipihit ng siradora.

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon