SAMANTHA’s POV
Gusto kong malaman ang buong storya ni mama. Kaya ngayon ito ako at nakasakay ng private helicopter na pagaari ni Troy papuntang Candon. Ang pinaka-dulong bayan ng Pilipinas. Hindi ko alam na may lugar palang nagngangalang Candon.
“Ma’am we will land in a few minutes, fasten your seatbelt please.”
Napatingin ako sa bintana at nakita ko kung gaano kaganda ang bayan ng Candon. Napapaisip na lang ako kung bakit hindi ganoon kakilala ang bayang ito gayong napakaganda naman pala. Napakaraming puno, maari ding magtayo ng isang beach resort dito dahil malapit lang sa karagatan. Wala akong masyadong makitang mga bahay, puro puno ang nakikita ko.
Sinabi sa akin ni Troy kanina na tinawagan nya si mama na pupunta ako at nag-aantay na si mama sa akin. Hindi din nagtagal at nakakita ako ng isang bahay sa itaas ng bundok. It looks so beautiful. Puti ang bubong, nakita kong mga salamin ang harapan ng bahay at mga magagandang bulaklak sa paligid nito.
Naglanding ang sinasakyan ko at nakita kong nagaabang sa akin si mama.
“Ma… m-mama..” Tumakbo ako papunta sa kanya.
“Anak.” Sinalubong naman n’ya ako ng sobrang higpit na yakap. “Nagugutom ka ba? Ano gusto mong kainin?” tanong niya sa akin ng humiwalay sa yakap ko. Dinala nya ako sa loob ng kusina at ipinaghanda ng makakain.
Tahamik lang kaming dalawa habang ginagawa niya ang paghahanda ng pagkain ko. Gusto kong magtanong, sabihin sa kanya ang nangyari kay uncle Arthur pero hindi ko alam kung dapat ko bang isalubong sa kanya ang bagay na yun.
“I know. Madami kang gustong malaman.” Sabi niya na nagpabalik ng diwa ko mula sa mga bagay na iniisip ko. “Pero kumain ka muna at kung gusto mo munang magpahinga pwede mong gawin. And after tsaka tayo magusap.”
“Hindi ako pagod ma. Pwede mong sabihin sa akin ngayon. Habang kumakain ako. Bakit? Bakit ka umalis? Anong kinalaman mo sa nangyayari sa company ni uncle Arthur?”
“Huh? Anong? Anong nangyari sa company ni Arthur?” Litong tanong niya na nakakunot ang noo.
“Hindi mo alam? Then bakit ka umalis?”
“Umalis ako dahil sa inyo ni Michael. Hindi ko kayang nakikita kang umiiyak at the same time ang lalaking mahal ko na sobrang lungkot. Pumunta ako dito para magisip isip. Wala akong naririnig na balita tungkol kay Arthur o kahit na sino sa inyong lahat. Oo, tinatawagan ako ni Manang Ising at nila Troy pero wala silang binabangit na kung ano.”
“You never try to watch a news?” Mahal ko ang nanay ko, pero hindi ko mapigilang mainis. Sa mga sinabi nya. Parang sinabi niya na tinatakasan niya kaming lahat.
BINABASA MO ANG
My Sister
RomancePaano kong mahalin mo ang isang taong alam mong hindi maari? Sinabi na sayong bawal, ipagpapatuloy mo pa ba? Kaya mo bang panindigan ang kasalanang magmahal ng isang.................. KAPATID........... Ano nga kaya ang mangyayar...