Chapter 31

3.3K 56 5
                                    

     AUGUST 22, 2013

Dedicated sa ate chelle ko.. Ate chelle ko..  naalala mo yung pinagusapan natin na tanong? What will happen if you fall in love in the wrong person? hehehe read my story then.. :) I love you always remember muah


This chapter happen before Maria left. (Maria- the mother of Samantha)


=============================


Maria's POV

 

Nakikita kong umiiyak at walang lakas ang nagiisa kong anak. Nagmumukmok sa loob ng kwarto. Walang ganang kumain. Hindi nagsasalita. Mahal nya nga siguro ang lalaking yun. Hindi ko naisip na mangyayari ulit ang mga bagay na ito. Hindi ko naisip na maaaring magmahal ng ganito ang anak ko. Hindi ko na isip na maaring pagdaanan nya din ang mga bagay na pinagdaanan ko noon.


Bakit hindi ko naisip yun? Bakit hindi ko sya inilayo noon pa? Bakit ko hinayaang mangyari ito? Ano ang dapat ko'ng gawin?


Gumagawa ako ng sulat para kay Samantha ngayon. Napagdesisyunan kong balikan ang lugar kung saan nagsimula ang masasayang araw ko, at the same time kung saan natapos ang masasayang araw na yun.

"Alam mo ba anak, nagmahal ako ng sobra noon. Sa isang lalaking hindi maari para sa akin. "

======

It was my 10th birthday that day. Masaya ang araw na yun. May clown. Nadoon lahat ng mga kaibigan ko. Kaklase at mga teacher ko. Naglalaro ako kasama ang mga kaibigan ko ng biglang magsalita ang papa ko sa harap.

"Hello everybody. Alam ko po nagcecelebrate tayo ngayon para sa aking pinakamamahal na anak kong si Maria. Anak mahal na mahal ka ni papa alam mo yan. Happy birthday my princess." Ang saya saya ng mukha ng papa ko nung mga oras na yun. Kitang kita ko ang saya sa mga mata nya. "Ngunit gusto ko ding ipaalam sa inyong lahat na hindi lang ang kaarawan ng anak ko ang dapat nating ipagsaya ngayon." dugtong nya at sabay tingin kay tita Klare. "Dahil kani-kanina lang ay nagpahayag ako ng aking damdamin sa isang magandang binibini na ngayon ay nasa aking tabi. Tinanong ko sya kung papayag ba syang PAKASALAN AKO. Alam nyo ba kung ano ang sagot nya?" Naghiyawan ang lahat ng tao dahil sa sinabi ng papa ko. Samantalang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong marining na sana ang sagot ni tita Klare ay, HINDI, ngunit nagunaw ang mundo ko ng sinabi ni papa na... "YES... YES... I AM GETTING MARRIED AGAIN...

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ng mga oras na yun. Limang taon ako ng mamatay ang mama ko dahil sa sakit nya. Mahal na mahal ko ang mama ko. Pero bakit kaya ng palitan ni papa si mama? Hindi na ba nya mahal ang mama ko? Matagal na ba ang limang taon? Kasi pakiramdam ko, kahapon lang. Pakiramdam ko, kahapon lang nawala si mama. Pero bakit sa mukha ng papa ko ngayon? Bakit ang saya saya nya at parang nakalimutan na nya si mama?

Nagsasaya silang lahat. Si papa, si tita Klare at ang mga kaibigan nila. Nawala ang atensyon ng lahat sa akin. Kahit ang mga kaibigan ko ay nakigulo sa mga magulang nila. Naiwan akong magisa. Tumakbo ako sa likod bahay at naupo sa paborito kong duyan. Ang duyan kung saan madalas kami umupo ni mama, habang binabasahan nya ako ng mga fairytale. Hindi ko mapigilang umiyak. Nagiiyak lang ako ng nagiiyak hanggang sa may lumapit sa akin at may nagabot ng panyo.

Tiningnan ko ang nagabot ng panyo. Panyong lukot lukot at may chocolate pang dumi. Ng makita ko ang mukha ng nagabot ng panyo, di na ako magtataka kung bakit may chocolate ang panyo na yun dahil kitang kita naman na mayroon pang chocolate ang gilid ng labi nya. 

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon