Enjoy Reading....
This chapter is dedicated kay chibicheek... Happy birthday Pearlaaaas ng buhay ko. love love you muah muah :* be happy :)========================
Natapos ang lunch namin kanina na puro tanong ang mayroon ang utak ko. Halo halong bagay. Sobrang gulo. Bumalik ako sa klase ko ng araw na yun.
Marami pa din akong naririnig na bulong bulungan. Kung noong umaga ay ang tungkol lang sa issue namin ni Michael. Ng hapon naman ay nadagdagan pa. Narinig ko ng pinaguusapan na ng lahat ang tungkol sa balita sa dyaryo.
Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung ano ang nangyayari. Nakasakay ako ngayon sa sasakyan ni Prince. Sinundo nya ako dahil ayaw na nya akong magdrive magisa at pinakuha na lang nya sa driver nya ang sasakyan ko.
Maaring dilekado nga ang mga bagay bagay ngayon, pero wala pa namang nagbabanta sa buhay ko.
"Lalim ng iniisip natin dyan. Tama na yan. Baka mabaliw ka sige ka." pagputol ni Prince sa iniisip ko.
Tiningnan ko lang sya at binigyan ng hilaw na ngiti. Ibinalik ang tingin sa labas ng sasakyan.
"Wag ka ng magalala. Maayos din ang lahat."
"Pero si Michael...."
"Matapang si Michael. Sigurado ako alam na nya ngayon ang dapat nyang gawin. Magtiwala ka lang okay? Tsaka.. just make sure na safe ka lagi. Walang mangyayaring masama. Okay?" sabi nya at binigyan nya ako ng napakagandang ngiti. An assurance smile.
"Si mama?"
"Ako na ang bahala kay Tita. Wag ka na magisip ng kung ano ano pa huh?" sabi nya at sabay haplos sa pisngi at pagayos ng kunot sa noo ko.
"Salamat Prince. Maraming salamat." sabi ko at napangiti na lang.
"Your welcome. Princess. My sister." ang sarap lang pakinggan. May kuya ako. Kuya ko sya. "Sige na pumasok ka na sa loob." sabi nya at muwestra sa labas ng sasakyan.
Nasa labas na pala kami ng bahay, hindi ko man lang napansin. Niyakap ko muna sya na ginantihan naman nya ng mahigpit na yakap din. "Salamat Kuya Prince." Narinig ko pa ang mahina nyang tawa sa may tenga ko at sinabing..
"Sige na my sister. Kilangan ko pang sunduin yung GIRLFRIEND KO..." pinagdiinan pa ang girlfriend, tsk!
"Sige na. Wag mo sasaktan yun huh. Bestfriend ko yun." sabi ko at humiwalay na sa yakap nya.
"Hala. Sya nga dapat mong pagsabihan na wag akong saktan eh. Dami na kayang sinaktan nun. Talo pa ako. hahaha" sabi nyang kasabay ng malakas na tawa.Masaya ako at nakikita kong masaya ang mukha nya. Nakikita ko din ang saya sa mga mata nilang dalawa kahapon. Sana magtuloy tuloy na.
BINABASA MO ANG
My Sister
RomancePaano kong mahalin mo ang isang taong alam mong hindi maari? Sinabi na sayong bawal, ipagpapatuloy mo pa ba? Kaya mo bang panindigan ang kasalanang magmahal ng isang.................. KAPATID........... Ano nga kaya ang mangyayar...