ENJOY READING
===================================
"Wohooooooooo.. Samantha..........." tili ni Janelle. Malapit na kami sa kabilang resort at nakikita ko ng marami ngang tao doon.
May naglalaro ng volleyball at may nagjejetski din. At kung ano ano pa ang ginagawa. Maganda din ang lugar. Huminto ako sandali at naabutan ako ni Janelle.
"Gusto mo ba muna maglakad lakad? Hindi na naman tayo gaanong basa eh.." tanong nya."Oo ba. Gusto mo sumali doon sa nagbavolley ball?"
"Oo ba. Tara." aya nya at lumapit na nga kami."Hello pwede sumali." Sabi ni Janelle.
"Oo naman miss, bakit hindi. Ako nga pala si Jasper." sabi ng isang lalaki. Anim silang naglalaro, dalawang babae at apat na lalaki. "Guys sasali daw sila." Gwapo si Jasper, may mahabang buhok at magandang asul na mata mukhang may lahi. Maganda din ang ngiti nya.
"Wow, pwedeng pwede mga miss beautiful. Ako nga pala si Brando." sabi nya sabay flex ng katawan at hawak sa buhok. Ang isang ito ay napapaghalatang babaero. May itsura pero di hamak naman na mas gwapo ang Michael ko.
"Tama na yan Brando baka mamaya tinatakot mo na sila." sabi ni Jasper. "Ito nga pala si Monique, Alice, Kyle and Liam." pakilala nya sa iba at nagsingitian naman silang lahat.
"Ah ako naman si Janelle at ito ang kaibigan kong si Samantha."
"Hi." sabi ko at isa isang kinamayan ang lahat."Ngayon lang namin kayo nakita, dito din ba kayo sa resort na to?" tanong ni Monique.
"Ah hindi, galing kami sa kabilang resort napadpad lang kami dito." sagot ni Janelle.
"Saan? Sa Ed love? Doon sana kami pupunta kaya lang nakaprivate daw pala ng 2 days kaya no choice kami. Pero kayo ang nagpaprivate noon?"
"Haha, yeah. Birthday... ""Birthday celebration ng isa naming kaklase kaya ganoon." pagputol ko sa sasabihin ni Janelle.
"Oh, eh bakit nandito kayo? Diba dapat nakikicelebrate kayo doon?" sabi ni Liam daw.
"Wala lang, gusto kasi namin magjetski eh nagkakantahan pa sila. Hindi din naman kami hahanapin kung wala kami doon." sagot ko ulit.
"Ano ba naman kayo bakit kilangan pa silang tanungin? Ayaw nyo ba yan may magaganda tayong makakasama. Right babe?" sabi ni Brando at sabay akbay kay Janelle.
"Yes, I am beautifull pero hindi ako pumapatol sa playboy na tulad mo." sagot ni Janelle at tangal ng braso ni Brando sa balikat nya.
"Hahahaha, wala ka Brando. May nakatapat ka din." sabi ni Kyle at nagtawanan ang lahat."Tama na yan maglaro na tayo." sabi ni Jasper. "So magiging magkalaban kayong magkaibigan okay? Sam kila Alice ka, and Janelle dito ka sa amin."
Kateam ko sina Alice, kyle at liam. Samantalang si Janelle naman ay kateam sina Jasper, Brando at Monique.Naglaro lang kami ng naglaro. At ngayon nga ay si Janelle ang magspike. Si alice ang tumira pero namali ang tira nya kaya kilangan sundan ulit at paluin para makapasok sa kabilang side. Tumalon na ako para paluin ito pero.....
BINABASA MO ANG
My Sister
RomancePaano kong mahalin mo ang isang taong alam mong hindi maari? Sinabi na sayong bawal, ipagpapatuloy mo pa ba? Kaya mo bang panindigan ang kasalanang magmahal ng isang.................. KAPATID........... Ano nga kaya ang mangyayar...