ENJOY READING......
=====================================
Ngayon na ang araw ng uwi nya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, excited na parang natatakot. Paano kung may girlfriend na sya? Paano kung iba na ang mahal nya? Paano kung dedmahin nya lang ako? Paano kung? Paano.. paano?
"Hoy Samantha grabe ka naman dyan. Relax nga kanina kapa lakad ng lakad dyan sa harap ko. Tsk!" sabi ni Janelle.Andito kami sa sala, nakaupo lang sya sa sofa at ako hindi mapalagay at palakad lakad dito. Sila mama? Ayon nasa trabaho. Tinawagan ni Manang Lusing si Michael kahapon kung anong oras darating at kung dederetso ba dito sa bahay at ang sagot?....
"Mga 11 am po ang dating ko sa airport Manang. Baka dyan na po ako mag tanghalian pagluto mo ako ng caldereta huh."Haay paborito nya talaga ang caldereta. Kaya tinulungan ko si Manang magluto kanina at ngayon 12:30 pm na bakit wala pa din sila?
"Kasi naman Janelle eh, dapat mga alas dose pa lang nandito na sila pero bakit wala pa? Baka maynangyari ng masama.""Exaggerated lang friend? Baka natraffic lang noh."
"Manang....."
Nagulat kaming dalawa ni Janelle ng may biglang nagbukas ng pinto at tinawag si Manang. Agad naman lumabas si Manang sa kusina at tinakbo ang taong dumating.
Natulala na lang ako sa magandang tanawin sa harap ko. Ang laki na ng pinagbago nya. Makikita mo na sa fitted na shirt nya ang muscle na nabuo. Noon ang liit lang nyan pero ngayon nakakatulo ng laway, nakakagigil. Bagong gupit din sya na lalong nagpagwapo sa kanya ang maikli nyang buhok na itinaas sa harap. Nakikita ko ang magaganda nyang ngiti ngayon na lalong nagpapalabas ng dalawang dimples na minahal ko noon.
Pero isang tao ang nagpagulat sa akin na biglang nyang hinila mula sa labas. Naging dahilan ng paghawak sa akin ni Janelle sa braso ko.
"Okay ka lang ba?""Oo naman. Bakit hindi?" ang sinungaling ko talaga.
"Manang this is Isabell, my friend." sabi ni Michael kay manang.
"Hello po, madalas po kayong ikwento sa akin ni Michael."
Napatingin sa akin si manang bago tinanggap ang kamay na nakalahad ng babaeng yun. Isabell pala ang pangalan ng babae yun, ang babaeng kahalikan ni Michael ng panahong napunta kami doon.
"Aah Iza, I want you to meet my sister and manang Lusing's daughter.""Hi, I am Janelle ako yung Manang Lusing's daughter." sabi ni Janelle at naglahad ng kamay at inabot naman nung IZA daw sabi ni Michael.
"Aah, Mike is she's your sister?" sabi nang IZA na yun at turo sa akin.
"Yes. Samantha ganyan ka ba bumati sa bisita?" tss IZA, dalawa, tatlo masasapak kita eh tsk.
"Ah hehe, sorry I am just amaze. You're beautiful and sexy and... white." haaay. Ano bang laban ko? "I am Samantha Nicole, nice meeting you." dugtong ko sa sinabi nya at inilahad ang kamay na tinanggap naman nya.
BINABASA MO ANG
My Sister
RomancePaano kong mahalin mo ang isang taong alam mong hindi maari? Sinabi na sayong bawal, ipagpapatuloy mo pa ba? Kaya mo bang panindigan ang kasalanang magmahal ng isang.................. KAPATID........... Ano nga kaya ang mangyayar...