Chapter 14

4.8K 102 3
                                    

ENJOY READING....

=======================================================

 

Samantha's POV

 

"Ohy Janella, ano ba yan para kang lalaki sa suot mo."

 

"Ewan ko sayo bakla, napaka pakilamera mo. Napapaghalata kang bakla eh."

"Kesa naman sayo. Sinasabi mo ngang di ka t-boom kung makapagayos ka naman kala mo lalaki. Tapus kung sumayaw ka pa kanina lalaking lalaki. tsk"

 

 

Yan ayan po ang mga kasama ko ngayon. Si Janelle na anak ni Manang Lusing at si Prince Troy na kaklase ko noon. Naalala nyo pa ba? Ang pinagseselosan ni Michael. Its been six years since umalis si Michael ng bansa. Wala akong ibang kasama kundi si Janelle at si Prince. We already have our own work. Isa na akong music professor. Si Janelle isa na syang I.T. and working at Honteveros Pharmacy. Si Prince he is also a teacher, a high school teacher.


Hindi naman bakla yan at hindi din tomboy si Janelle. Wala lang asaran lang nilang dalawa yan. Paano sila nagkakilala? Hindi ko din alam mas nauna pa palang magkakilala si Prince at Janelle kesa sa akin. Nagkakilala kami ni Janelle nung time na broken hearted sya. Mahabang kwento kaya wag nyo ng alamin.

"Alam mo Janella, hindi ko na nga alam kung bakit maraming lalaking naiinlove sayo eh. Lalaki ka naman kumilos at kung manamit tsk."


"Hoy alam mo Troy na bakla, kahit ganito ako manamit maganda ako kaya silang lahat naglalaway. Inggit ka lang kasi hahaha. "

 

Hay wala na silang ibang ginawa kundi magasaran. Buti nga hindi nagkakapikunan yan eh. Both of them know's what happen between me and Michael at lagi silang saliwa ng payo kaya magulo. Buti na lang may sarili akong utak, tss.

 

Oo nga pala hindi ko pa nasasabi sa inyo. Andito nga pala kami sa dome ng school na pinagtuturuan ko. Nagpapractice kami ng sayaw, hindi naman ako magaling sumayaw pero para sa mga bata ng orphanage gagawin ko. Every year my ginagawang donation ang school para sa mga batang may sakit na Cancer, and to make them more happy gagawa kami ng mga palabas, may acting, dancing, music at games. Syempre lahat ng yun masaya ang tema para naman mapatawa at makalimutan ng mga bata ang sakit na meron sila.

 

"Ohy, Samantha Nicole. Bakit tahimik ka dyan? Wag mong sabihin na iniisip mo na naman si Pangit na Michael." Si Janlle yan.

"Sus kesa naman sayo. Wala ka ng ibang ginawa kundi magpalit ng boyfriend kada isang linggo."

"Hoy baklang Troy. Hindi ko kasalanan kung yang mga lalaking yan eh uhaw sa babae. Hindi din naman yan seryoso sa pagmamahal eh. Sa huli huli, mangiiwan din yan. Tingnan mo si Michael imbis na intindihin si Sam umalis ng bansa, nangiwan."

"Janella, hindi lahat ng lalaki nangiiwan. Kung iniwan ka ng isa, hindi ibig sabihin noon lahat na iiwan ka. Kung makapagsalita ka parang hindi ako lalaki." sabi ni Prince "Sam, alis na ko. Text mo na lang ako kung gusto mo pang magpasama bumili ng gown mo."

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon