Chapter 22

4.7K 94 6
                                    

Dedicated po ito sayo Mr. Yaelskii'ng pogi... Poging author... hehehe :) sabi ko sayo surprise kahit hindi mo po sabihin sa akin. talaga pong dedicated sayo to kasi nainspire po ako sa pagkabasa ko sa comment mo.. thank you po ulit sa pagappreciate ng gawa ko. :)

ENJOY READING....

Michael's POV


Andito ako ngayon sa bar malapit sa Ed Love Resort. After she told me those words.


"You're not the one for me."


"You're not the one for me."


"You're not the one for me."


"You're not the one for me."


"Damn it. Kilangan ba paulit ulit? aaaaaaaaaaaarrr.." bolong ko sa sarili ko habang umiinom dito sa may bar tender.

 

Bumalik lahat ng alaala noon.

 

"Kuya niloko lang kita. Hindi ko akalain na maniniwala ka. Sorry."

 

"Michael niloko lang kita hindi mo ba maintindihan yun?"

 

"Michael niloko lang kita."

"Niloko lang kita."

 

Umalis ng bansa para mabuhay ng malayo sa kanya, makalimutan sya at makatayo sa sarili kong buhay. Ginawa ko ang lahat makalimutan lang sya. Magaral mabuti, pagaralan ang mga business technique para sa farm. Nagawa ko ng lahat ang dapat kung gawin doon pero bakit kung kilan akala ko wala na sya sa puso ko tsaka naman bumalik ang lahat.

Bakit nung narinig kong sinabi nyang "BAKA TAMA SILA......... YOU'RE NOT MEANT FOR ME" sobrang sakit? Bakit bumalik lahat ng sakit? Ano bang dapat kong gawin?

 

Alam ko masakit nga yung mga ginawa ko nitong mga huling araw, pero nagawa ko lang naman yun dahil nasaktan ako. Dahil............... ayoko ng masaktan pa. Ulit....

 

"Bakit umiinom ka magisa?" napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko yung boses na yun.

 

"Aah, wala lang. Busy silang lahat eh." si Miko lang pala.


"Problema? Babae ba? Dami na nyang nainom mo ah."


"Haay. Ewan ko. Ang hirap kasi nila. Hirap basahin."


"Babae nga. Pareho lang naman. Nahihirapan din ang mga babae na basahin tayo. Akala ko noon maiintindihan nya kung bakit ako lumayo. Mukhang hindi naman pala. Akala may babalikan pa ko, wala naman pala. Kaya ikaw kung ayaw mo syang mawala gawin mo lahat ng kaya mong gawin. Ibigay mong lahat ng makakaya mo bago pa sya tuluyang mawala. Mukha namang mahal ka pa ni Samantha eh." mahabang linya nya.


"Huh? Paano mo naman nasabing si Samantha ang problema ko?"

 

"Tsk. Manhid ka pala kaya magulo ang buhay mo. Iinom na nga lang natin yan." sabi nya sabay tunga ng baso nya.

 

Huh? Ako manhid? Teka baliw na ba tong kausap ko? Haaaaaaaist. tsk. Naginuman lang kaming dalawa ng...............


"Hoy dude." si Cyrus.


"Bakit ka naman umiinom ng hindi kami inaaya? Para namang hindi tayo magkakaibigan oh."


"Nakita ko si Samantha. Mukhang lasing na. Hindi mo ba lalappitan?" tanong ni Patrick.

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon