Chapter 24

4.8K 82 3
                                    

Enjoy Reading...................

=====================================

Michael's POV

Nagising ako ng mga alas syete ng umaga. Nandito ako ngayon sa kwarto kung saan natulog si Samantha.

 

Ang himbing pa ng tulog nya. Ang aliwalas ng mukha. Ang amo amo ng mukha nya, angel na angel ang dating. Paano ko ba nasaktan ang babaeng to? Alam ko gago ako at duwag. Noon yun! Hindi na ngayon.

 

Lumayo na ako sa kanya bago pa ako makaisip ng hindi maganda. Nagtago ako sa likod ng kurtina sa gilid ng higaan nya. Nakakuha ako kanina ng isang mahabang damo na kulay brown at hindi naman makati.

 

Itinapat ko ito sa mukha nya at pinagapang. Sa pisngi, tenga at leeg. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil hinahawi nya ito at napapakunot ang kilay nya. Kapag hinawa nya ito ay inilalayo ko at hinahayaan muna syang makatulog muli at uulitin ang ginagawa ko. Hindi nyo ako masisisi, sa ganda ng mga expression na nakikita ko hindi ko talaga mapigilan.

 

Inulit ko ulit sa pangatlong pagkakataon na nagpabangon sa kanya at linga linga sa paligid. Hindi ata ako nakita dahil humiga ulit at ipinikit muli ang mata.

 

Hinayaan ko muna sya ng mga ilang minuto at umulit ulit.

 

"Hahahaha... aray ah." tawa ko dahil binato na ako ng unan.

"Michael naman eh. Kanina ka pa huh! Akala mo ba hindi kita makikita? Ang liwa liwanag ng araw sa labas at nakaharang yang katawan mo dyan." sabi nya na pipikit pikit ang mata.

 

"Haha.. kasi naman mahal ko gising na." sabi ko at umalis na sa likod ng kurtina.


"Michael inaantok pa ako. Ang tagal mo akong pinatulog kagabi eh." reklamo nya.


" Kung makapagsalita ka mahal ko parang may ginawa tayo kagabi ah. Baka pwedeng ngayon natin gawin." hindi ko mapigilang mapasmirk sa mga iniisip ko. Tsk!


"Hoy! Michael! Ang aga aga yan ang iniisip mo tumabi ka nga at ako'y naaalibadbaran." sabi nya at tumayo sa higaan palayo sa akin.


"Mahal ko.... Ano ba ang iniisip mo? Wala naman akong sinabi ah." nakangiting nakakaloko pa rin ako. Kitang kita ko naman ang pamumula ng mukha nya.


"Arrr.. Michael naman eh. Tumigil ka nga. Lumabas ka na ng kwarto!" utos nya.

 

"Mahal kooooooooo.. Ginising lang kita... Ano ba ginawa ko? Payakap naman oh.. Mahaaaal kooo.." nilambingan ko pa ang boses ko at nakita ko ang lalong pamumula nya. Haha..

"Geezz.. Michael... Tigilan mo yang pagtaas baba nyang dalawa mong kilay. Michael huh." sabi nya habang paatras.


"Mahal ko........ Payakap lang..." sabi ko pa habang palapit sa kanya atras sya.. abante ako.

"Aaaaaaaah Michael... wag kang lalapit. Hahaha." tili at tawa nya ng tumakbo na sya palabas ng kwarto at maghabulan kami sa loob ng bahay.


"Hahaha. Mahal ko payakap lang? Masama ba yun?" sabi ko habang magkasalungat kami ng daan. Nasa kabilang side sya ng sofa at ako naman sa kabila.

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon