Chapter 25

4.4K 79 2
                                    

Enjoy Reading...................

============================================

 

Pabalik na kami ng resort ngayon. Napagod ako sa maghapong gala sa bayan. Kasama namin maghapon sina Janelle at Prince. Malamig at madilim ang paligid. Kakaunting ilaw lang ang nakikita ko na nanggagaling sa bayan.

 

"Malamig na. Sout mo muna to Mrs. Samantha Honteveros." napangiti na lang ako sa kasweetan nitong kasama ko. Isinuot ko naman ang coat na ibinigay nya.


"Thank you Mr. Honteveros." pangaasar kong sabi sa kanya at hinarap sya.

 

"Ang sarap pakinggan Mrs. Honteveros." nakangiting sabi nya.


Nginitian ko na lang din sya at hinaplos ang makinis nyang mukha. Ang gwapo gwapo nya talaga. Hindi nakakasawang pagmasdan. Hinawakan nya ang kamay kong nasa pisngi nya at nilapit sa labi nya at hinalikan ang likod nito.

 

Sya nga ang Michael na minahal ko. Niyakap ko sya ng sobrang higpit.

 

"I think it is time for you blind fold Mrs. Honteveros." napabitaw ako sa pagyakap ko sa kanya at napatingin ng naguguluhan sa mukha nya.


"Anong blindfold?" takang tanong ko.


"Do you trust me?"


"Michael! Oo naman, pero bakit may blindfold?"


"Haha. Malalaman mo din mamaya Princessa ko. Pero ngayon makinig ka muna sa akin huh at wag kang sisilip. Okay?" sabi nya at itinapat na panyo sa mukha ko na dinukot nya mula sa bulsa nya.


"Michael?"


"Come on. You love me right? Wala naman akong gagawing masama eh."

 

Napabuntog hininga na lang ako at pinabayaan syang isuot ang blind fold sa mata ko. Sa totoo lang excited ako. Excited at the same time kabado. Ano ang gagawin nya? Ano ang meron? Alam ko ng may surpresa sya pero hindi ko alam kung anong surpresa ito. Naramdaman kong huminto na ang yate na sinasakyan namin.


"So now Princessa ko. Humawak ka lang lang sa akin huh?"

 

"Okay, okay. Wag mo lang akong ilalaglag dito sa dagat at malamig. Ano ba kasi ang meron huh?"

 

"Malalaman mo mamaya Princessa ko. Sundin mo sasabihin ko huh?"

 

And inalalayan nya ako pababa ng yate na yun at alam kong nandito na kami sa daungan ng bumolong sya sa akin ulit.


"Mahal ko antayin mo lang ako dito huh? Kapag nakarinig ka ng music tsaka mo lang pwede tanggalin yang blind fold okay?"

"Eeeh.. Michael? Saan ka pupunta? Paano kung may kumuha sa akin dito?"


"Haha. Princessa ko sino naman ang kukuha sayo?"


"Baliw ka talaga Michael. Oo na sige na aantayin ko na! Tsk!"

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon