Chapter 19

4.5K 81 2
                                    

ENJOY READING......

=================================

 

Nagising ako sa sinag ng araw. Pagmulat ng mata puti ang nakita ko. Puting kisame, puting kurtina sa gilid ko, kung saan nakikita ko ang magandang sinag ng araw at puro puno ang nasa labas. Nakatanaw ako sa labas ng maramdaman ko ang sakit o kirot sa kaliwang braso ko.

"Aray... ano ba toh... huh? dextrose? Bakit ako meron nito?"


"Sam? Kamusta? Ano nararamdaman mo?"


"Huh? Sino ka?"


"What? Hoy Samantha wag mo kong niloloko nadehydrate ka lang hindi ka nagkaamnisia huh."


"Haha. Ang cute mo Janella.. hahahaha."

"Haay. Wag ka ngang tumawa dyan. Ang tigas tigas kasi ng ulo mo ayan tingnan mo nangyari sayo. Alam mo naman kasing bawal sayo ang sobrang pagkain at hindi ka pa talaga uminom ng tubig huh. Ghad Samantha... "


"Janella.... Relax okay? I am still alive."


"Samantha yes you're still alive. Paano kung walang nakakita sayo after mo magcollapse huh?"


"Sino nga pala ang nakakita sa akin?" pagiiba ko ng usapan.


"S-si P-prince.. sinundan ka nya. Gusto mo ba ng Apple? Orange? May kilangan ka ba? Si tita at tito kinausap pa ang doctor para makalabas ka na."


Haay. Tama ako at dahil ayaw na nyang umasa ako malamang hindi nya sasabihin yun pero bakit wala sya dito.


Malamang nagtataka na kayo kung bakit nasa ospital agad ako gayong LBM lang naman ang nangyari. . Mahina kasi ang immune system ko kaya simpleng LBM ay nadedehydrate na agad ako.


Sila mama naman at itong mga taong nakapaligid sa akin ay sadya namang napaka OA kung magreact. Hinimatay ka lang akala na patay na agad.


"Janella, gising na ba si Sam?" biglang bukas ng pinto at likod ni Prince ang nakita ko.

 

"Oo bakit?"


"Hello Samantha.. My gift ako sayo.. tyaraaaan..."


"Bakla naman eh Spaghetti? Really? Nakikita mo ba ang dextrose ni Samantha Nicole huh?" ang OA talaga nitong si Janella parang si mama lang.


"Ehhh, isa lang naman to. Hindi na magdadiarrhea yang si Samantha. Pampalubag loob lang naman to dahil dyan sa sakit na nararamdaman nya dyan sa braso nya." haha kakampi ko talaga to si Prince kaya selos na selos tong si Janella eh. tsk.


"Ahy ewan ko sa inyong dalawa." sabi nya at naghiwa na ulit ng apple.


"Woaa Prince salamat.. sarap sarap.."

"Bilisan mo baka dumating na sila Tita at mapapagalitan tayong dalawa." hahaha spoiled talaga ako nitong si Prince. Kaya Princess Elizabeth wag mo muna akong sunduin masaya pang mabuhay.


Binilisan ko nga ang pagkain at saktong apple na ang nginangata ko ng pumasok si mama sa kwarto at magayos sila ng gamit para makauwi na.


"So Samantha, itutuloy mo pa ba ang celebration mo sa beach?" tanong ni uncle Arthur.

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon