Enjoy Reading.....
======================================================
Samantha's POV
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa pagaantay ng oras. Napatingin ako sa bandang beranda at nakita kong madilim na ang paligid. Bumangon ako at nakiramdam sa paligid. Lumapit sa may pinto at nakinig.
Narinig kong may naguusap sa labas ngunit hindi ko maintindihan. Bumalik ako sa may higaan ko at kinuha ang cellphone kong tinago ko kanina. Bakit wala pang pumupunta dito hanggang ngayon? Napapaisip na lang ako.
Nagtext ako.Janelle. Ano ang nangyayari? Nasaan sila Mama at Uncle Arthur? Nasaan si Michael? Ayos lang ba sya?
And I press send. Hindi naman nagtagal at bigla umilaw ang cellphone ko na nagsasabing nakatanggap ako ng mensahe.
Samantha! Pwede bang wag ka munang magtext. Baka mahuli ka at kunin yang Cellphone mo. Magdadala ako ng pagkain dyan mamaya magantay ka.
Sabi nya. Hindi na lang ako nagreply. Itinago kong muli ang cellphone ko at nagpalakad lakad sa loob ng kwarto ko. Kinakabahan ako. Ano ang nangyari kay Michael? Ano ang dapat kong gawin?
Hindi naman nagtagal may biglang nagbukas ng pintuan na nagpatayo sa akin mula sa pagkakaupo sa kama ko.
"Janell....." hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nasa likod ni Janelle si Mama.
"Ilapag mo muna yang pagkain nya sa table Janelle at maari mo na kaming iwan." sabi ni mama. Oh ghad great.. just great.
Napaupo ako sa kama ko. Ano ang ginagawa nya rito? Pagagalitan nya ba ako?"Pinagkatiwalaan kita Samantha." geez.. I know..
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko nakayuko lang ako at pinipisil pisil ang kamay ko. Nakatayo lang sya sa gilid ko at marahil ay pinagmamasdan ako. Ano ang dapat kong sabihin. Ano?
Sa totoo lang natatakot ako. Natatakot akong masaktan ang mama ko. Natatakot akong masaktan ang mga taong nasa paligid ko, pero huli na ang lahat. Nasaktan na sila. Umiiyak si Janelle at si manang. Nasasaktan din marahil ngayon si Uncle Arthur.. Malamang nasasaktan din ang mama ko dahil sa kasalanang nagawa ko. Higit sa lahat,,,, nasaktan ang lalaking mahal ko. Umiyak sya. Umiyak habang nakatingin sa akin.
"Hindi ka ba natatakot sa kung ano ang pwedeng mangyari sayo huh? Samantha?" Takot ako.. Pero hindi para sa sarili ko Ma....
"Ma.. I am sorry. I know,... I promised but.. Mom. I love him.. I love him so much." yun na lang ang nasabi ko. Ano pa bang dapat kong sabihin? Mahal ko sya.. Napahagulhol na lang ako sa sakit na nararamdaman ko. Parang may humahawak sa puso ko at hinihigpitan ito na nagiging dahilan ng pananakit nito at parang sa patak ng luha ko ay nababawasan ang sakit na nararamdaman ko.
"Ohh ghaad anak ko. Alam mo bang ang bata bata mo pa para sa pagmamahal na yan huh?"
"Nasa idad.... po ba yang pagmamahal na yan Ma?" hindi ko na makita ang babaeng nakaluhod sa may paanan ko at hinahaplos ang luhang tumutulo sa mukha ko. "Ma.. kasi kung nasa idad yan.. sana hindi pa ako ang nagmamahal ngayon. Sana hindi pa kami ni Michael ang nahihirapan ngayon.. ma.... sana....... sana... sana hindi nila sinaktan si Michael ma....."
BINABASA MO ANG
My Sister
RomancePaano kong mahalin mo ang isang taong alam mong hindi maari? Sinabi na sayong bawal, ipagpapatuloy mo pa ba? Kaya mo bang panindigan ang kasalanang magmahal ng isang.................. KAPATID........... Ano nga kaya ang mangyayar...