ENJOY READING......
=======================================================
"Ohy, bakit natahimik ka na?" tanong ni Janelle ng palabas na kami ng dome.
"May naalala lang ako.""Don't tell me iniisip mo na naman ang nangyari? Samantha, anim na taon mo ng iniisip yan hindi ka pa ba nagsasawa?"
"Janelle ang ingay ingay mo talaga. tsk." ang ingay naman kasi talaga.
"Haay, ano bibili ba tayo ng gown mo?" tanong nya na hindi ko na nasagot dahil sa nakita ko paglabas namin ng dome.
"Akala ko uuwi ka na Prnce?" tanong ko nakasandal kasi sya sa sasakyan nya.
Nakita kong nakasimangot pa din sya at nakatingin kay Janelle. Ng tingnan ko si Janelle sa iba naman nakatingin at halatang iniiwas ang paningin. Naku po naman talaga wag na nating problemahin ang problema nila dahil may sarili akong problema, matatanda na yang dalawang yan.
"Iniisip kita, wala ka namang driver kapag iniwan kita dito. Saan na ba ang next stop natin?" binuksan nya ang pinto sa passenger seat.
"Ahh dito na lang ako sa likod, Janelle akin na yang gamit mo." sabi ko at pumasok na, nilock ko din ang bawat pinto sa back seat.
Sinabi ko ngang hindi ako makikialam sa kanila pero hindi ko mapigilang gumawa ng paraan. Kasi naman ang cute kaya nilang tingnang dalawa kapag sila ang magkasama, yeah I know lagi silang nagaaway pero kasi tingnan mo haha, never mind.
Pumasok na rin silang dalawa at ang nakakatuwa kasi si Janelle ang unang pumasok at pinagsarhan ng pintuan ni Prince, yay bakit ako kinikilig? Ang cute kasi nila ako na ang no. 1 fan nila.
"Hoy, wag kang ngingiti ngiti dyan! Baka gusto mong masaktan!" si Janelle yan pagkasakay nya habang umiikot si Prince sa papunta sa driver seat.
"Hehehe ang sungit mo huh." sabi ko na tinawanan lang sya at ginantihan ako ng irap.
"Sam, saan tayo?" that's Prince.
"Mall, nagugutom na ako eh. I am sure kayo din gutom na." tumango lang si Prince at pinatakbo na ang sasakyan.
Ang swerte ko lang sa dalawang kaibigan ko dahil kahit na magkaaway sila hindi nila ako iniiwang magisa.
===========================================================
Nakarating kami ng restaurant ng tahimik pa din silang dalawa. Haay mukhang nasaktan talaga si Prince kanina dahil ang tahimik nya. Pero anong problema nitong si Janelle?
"Ahy doon na tayo kumain." turo ko sa jollibee at sabay takbo para maiwan sila.
Nauna na akong omorder sa kanila. "Bahala sila dyan away away kasi eh, tss" sabi ko sa sarili ko. Parang hindi pa ako sanay sa kanila lagi naman. Humanap na din ako ng mauupuan ko pagkaorder ko, hindi naman madami ang tao kaya mabilis lang. Tinitingnan ko pa sila ng nakaupo na ako. "Hindi talaga kayo maguusap huh!"
"Anong problema nyong dalawa?" sabi ko ng makaupo na sila sa harap ko.
"Wala."
"Wala."
"Woaa, kilangan sabayan ng salita?" pangaasar ko. Inirapan lang ako ni Janelle at si Prince?
"Tss! Mukha ka ng baliw kanina ka pa ngiti ng ngiti sa sasakyan. Excited ka ba sa pagbabalik ni Michael huh?" wow binalik sakin? Galing talaga nitong si Prince eh tsk!
"Alam mo ikaw baklang Troy huh, ayusin mo nga yang pagsasalita mo. Ayan tumahimik bigla! Bakit naman nya iisipin yung pangit na yun? Ang galing galing mo talaga eh." nakakabasa ba ng utak itong si Janelle?
"Sorry naman kasi eh.. tsk!"
"Ano ba kayong dalawa, hindi na ba matatapos yang away nyo? Lagi na lang ah."
"Okay, pagusapan na lang natin ang birthday mo." sabi ni Prince.
"Uhmm, ayun nga may celebration kasama ang mga business partner nila. Kaya lang gusto ko din magcelebrate sa isang resort. Yung tayo tayo lang mga magkakaibigan."
"Haay gets ko na yan. Gusto mo makasama si Michael." sabi ni Janelle habang pinapapak ang fries nya.
"Hoy, akala ko ba hindi ipapasok sa usapan si Michael."
"Haay, wala naman kasi eh. Hindi man natin pagusapan sya pa din ang nasa isip nyang isan yan. Isipin mo nga Troy huh, anim na taon hindi sya nagcelebrte ng birthday nya. Pinilit na ng mama at uncle nya pero ayaw. Pinilit na natin ayaw. And now nalaman nya lang na uuwi na si Michael bigla sinabi gusto na gawin ang birthday nya. haaay!" deredertsong sabi ni Janelle habang itinuturo turo ang fries sa mukha ko.
Mukha atang Psychic itong si Janelle at naiisip ang lahat ng nasa utak ko. Nanahimik na lang si Prince at tumingin sa akin.
"Sabihin mo Samantha tama ako diba? Para saan pa? Umaasa ka pa din ba? Nakita mo na lahat nung pumunta tayo doon ano pa gusto mo? Ang ipamukha sayo na ayaw na nya?" dugtong ni Janelle. Masakit yun ah.
"Janelle tama na. Nakakasakit ka na." pigil ni Prince kay Janelle ng nakitang natigilan na ako.
"Totoo naman kasi eh. Pumunta tayong tatlo noon sa California, dyan sa Los Angeles na yan. Pero ano ang nakita natin? Sya na nakikipaghalikan sa ibang babae diba?"
Tama nga naman sya. Pumunta kami doon mga tatlong taon ang lumipas ng umalis sya. Hindi alam nila mama noon yun kasi ang paalam namin sa palawan lang kami pupunta pero dahil nagmamay ari ng Airlines sila Prince nagawan ng paraan na makaalis kami ng walang nakakaalam kahit sino.
BINABASA MO ANG
My Sister
عاطفيةPaano kong mahalin mo ang isang taong alam mong hindi maari? Sinabi na sayong bawal, ipagpapatuloy mo pa ba? Kaya mo bang panindigan ang kasalanang magmahal ng isang.................. KAPATID........... Ano nga kaya ang mangyayar...