Thank you, kasi umabot ka sa part na ito. Maraming salamat sa pagbabasa. Sana nagustuhan mo. Pasensya na po kung ito ang ending.
Achiel Mathon son of Samantha and Michael pronounce like (ah-ki-el mey-ton)
------------------------------------------------------------------
Loving my sister tenderly is forbidden but the person insulting us behind my back is more forbidden.
Anong mali sa pagmamahal na inaalay ko sa kapatid kong hindi ko naman kadugo? Hindi ba pwedeng isa lang kami sa libo libong tao na napaglaruan ng tadhana?
Akala ko noon ang pagmamahal ay punong puno ng saya dahil sa sayang nakikita ko kay daddy kapag tinitingnan niya si mommy Maria. Nang matuto akong magmahal doon ko nalaman na kapag nagmahal ka halo halong emosyon ang mararanasan mo at dapat handa kang tanggapin lahat ng emosyon na yun hanggang huli.
Galit, selos, lungkot, sakit. Sa kabila ng mga emosyon na yun pumapangibabaw ang saya kapag nakita mong masaya ang taong mahal mo na kapiling ka. Ang saya kapag sinabi niyang wala siyang ibang mahal kundi ikaw. Kapag nagkaroon na kayo ng happy ending, ngunit hindi ata lahat ng storya ay mayroong happy ending.
Dalawang taon na ang nakalipas simula ng mabasa ko ang sulat na yun. Sobrang sakit. Iniwan na naman niya ako sa pangalawang beses. Gusto kong magalit. Gusto kong magwala. Ngunit anong mangyayari kung paiiralin ko ang galit ko.
“Nasaan si Samantha, Michael?” Tanong sa akin ni mama paguwi ko ng bahay.
Iniabot ko sa kanila ang sulat niya. Mukhang wala siyang pinagsabihan ng gagawin niyang ito. Pinaghandaan niya talaga ang pang-iiwan sa akin.
“Why did she do that? She’s not real Honteveros.” Sabi ni daddy na nagpagulat sa akin.
“Arthur anong ibig mong sabihin?” takang tanong ni mommy.
“We didn’t change her name yet.” Sagot muli ni daddy.
“What? I thought you already did. Noong business event. Akala ko bago yun inayos niyo na ang papeles niya.” tanong ko.
“I thought about that kaya lang nakita ko kung paano mo siya tingnan Michael. Ayaw ko naman gawin sa inyo ang nangyari sa amin ni Maria. Kaya hindi ko itinuloy.” Nakangiting sabi ni daddy kasabay ng paghila sa bewang ni mommy.
Galit na galit ako ng araw na yun. Walang sence lahat ng pinaggagagaw ni Samantha. Ang nakakainis pa bakit hindi sinabi ni daddy ng mas maaga. Ang rason niya?
“Masyado pa kayong bata noon. Aba malay ko bang matapos ang anim na taon eh, mahal niyo pa din ang isat isa.”
BINABASA MO ANG
My Sister
RomancePaano kong mahalin mo ang isang taong alam mong hindi maari? Sinabi na sayong bawal, ipagpapatuloy mo pa ba? Kaya mo bang panindigan ang kasalanang magmahal ng isang.................. KAPATID........... Ano nga kaya ang mangyayar...