Chapter 9

6K 116 12
                                    

 WARNING SPG....

It was valentines yesterday. I surprised her a dinner date. A candle light dinner. Ngayon siya naman ang nagaayang makipagdate. Saan niya kaya ako dadalhin?


"Bakit ko iiwan ang sasakyan ko?"

"Kasi sasakay tayo ng jeep. Kilangan mo matuto sumakay ng jeep." Sabi niya ng nginingitian ako habang hila hila ako sa kamay.

"What? Marunong naman kaya ako sumakay ng jeep akala mo sakin?"

Sa totoo lang hindi pa talaga ako nakakasakay ng jeep nakikita ko lang sa daan yung mga nagaantay. Kasalanan ko bang hindi ako pinalaki sa pagkocomute? Tsss

"Talaga? Ikaw magbabayad huh." Sabi niya at tintingnan ako na parang hindi naniniwala.

"Naman kilan ko na pinagbayad ang babae ko?"

"BABAE? BABAE mo lang ako? Sa dami ng babae mo kasama lang ako doon? Katulad lang ba nila ako? Dyan ka na nga." Hala iniwan ako? Ano ba masama sa babae? Babae naman siya ah.

Sinundan ko na at baka hindi pa matuloy ang date ko.

"Oi ano ba ang mali sa babae? Babae ka naman ah? Impossible namang hindi dahil nahawakan ko na yan."

"Aaaaah, ang pervert pervert mo talaga... Arrrrrr."Pinalo palo ako na niya ako ng kamay niya na ikinatawa ko lang.

"Awww, array masakit na. Joke lang naman eh pinapatawa lang kita eh. Ito naman napaka bigat pa naman niyang kamay mo." reklamo ko.

"Ewan ko sayo. Bahala ka dyan." Sabi niya at sumakay ng jeep.

Ang ganda niya pa din talaga.

"Manong bayad po." abot ko ng limang daan sa driver.

"Ahh iho wala ka bang barya lang?" Sabi ni manong driver.

"Malamang manong meron. Kaya nga po buo binigay ko eh...... Aray" abat napalo pa, ano na naman ba ginawa ko?

"Ahehehe pasensya na po manong nagbibiro lang tong kasama ko ito po oh." Sabi ni Sam at abot ng fifty pesos sa driver.

"Bakit ako napalo? Pilosopo ng driver eh."

"Siraulo ka ba huh? Ikaw kaya ang pilosopo baliw tsk."

"At ak......" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may sumabat.

"Ms. Mukhang kakababa lang ata ng kasama mo mula sa bundok. Hindi pa alam ang tamang pagbabayad. Ang ganda mo pa naman sana samin ka na lang sumama." Sabi ng mukhang unggoy na nasa kabilang upuan.

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon