Chapter 5

7.3K 129 19
                                    

CHAPTER 5

WARNING SPG...

Isang linggo na ang nakalipas at wala kaming ibang ginawa kundi ang magsabay kumain tuwing almusal at hapunan. Magkwentuhan, magusap tungkol sa school at ang mamasyal. Nagtutulungan din kami sa paggawa ng assignment. Minsan nasa kwarto ko siya at minsan ako naman ang nasa kwarto niya.

"Samantha Nicole Mendez." gising ko sa kanya.

“Ano ba? Ang aga aga pa eh." Ungol niya sabay taklob ng kumot.

"Sabi mo magsisimba tayo. Ikaw itong nagaaya magsimba ikaw itong natutulog pa. Anong petsa na oh. Gising na.” Inalog ko na ang higaan niya para lang magising na siya. 

"Ikaw na lang."

"Ayaw mong bumangon huh!" Nilapitan ko na siya at kiniliti sa tagiliran niya na nagpablikwas sa kanya.

"Aaaaaaaaah Michael naman eh!" Panay na ang tawa at tili niya dahil hindi ko siya tinitigilan.


“Ano ayaw mong bumangon? Huh! Huh!"

"Ito na ito na tigilan mo lang ako pleaaaaaaaase." Tinigilan ko naman siya at naupo lang ako sa gilid ng higaan niya. Inaantay siyang bumangon.


Samanthaaaaaa….. Araaaay…” bigla lang naman siya bumangon at sinungaban ako ng yakap kaya na out of balance ako na naging dahilan ng pagkahulog ko sa sahig.

“Hahahahaahahaha…” Tawa na siya ng tawa habang nakapatong sa ibabaw ko.

Ang sakit lang ng likod ko. Buti na lang at hindi nauntog ang ulo ko sa sahig. Okay lang din kung ganito ba naman kaganda at kasaya ang malalaglag sa ibabaw ko, okay na okay lang talaga.

Napatitig na lang ako sa mukha niya. Ang mata niyang sobrang perfect ng pagkakahulma na kapag tinitigan mo ay talagang mahuhulog ka. Hindi lang mahuhulog, lunod na lunod pa. Ang ilong niyang hindi naman katangusan at hindi din naman flat. Ang pisnging mamula mula at ang labing iginaya sa manika ang pagkakaguhit. Sa unang tingin pa lang ay alam mo ng malambot.

“Baka matunaw ako, Kuya.” Napakurap kurap ako sa sinabi niya. “Taya ka. Lilibre mo ako ng lunch ngayon.” Nakangiti pa siya ng sinabi niya yan at bumangon na mula sa ibabaw ko. Dumeretso sa banyo at sumigaw ng….

“Lumabas ka na kung aalis tayo.” Arrr… Lumabas na lang tuloy ako ng makaligo na.

Kung minsan hindi ko din maintindihan ang ugali ni Samantha. Merong times na tahimik siya, seryoso at madalas childish. Lalo na kapag napupunta sa lugar na hindi pa niya napupuntahan. Kahit ang mga gusto niya pambata din, siguro dahil sa labing limang taong gulang pa lang siya.


Katatapos lang ng misa at ngayon nga ay naglalakda na kami papuntang parking lot ng bigla siyang matapilok. Sa dami ng tao hindi ako ang nasa tabi niya kaya ang lalaking nasa gilid niya ang nakasalo sa kanya.  

"Miss. Are you alright?"

"Yeah. Aww." sinubukan niyang tumayo ngunit dahil sa sakit ay napahawak ulit siya sa kung sino man ang lalaking tumulong sa kanya.  

"Pare ako na." sabi ko doon sa lalaki na nakakunot na ang noo ng tiningnan ako. 

"Do you know her? Magisa lang siyang naglalakad kanina. Baka mamaya kung sino sino ka lang bigla lalapit dito?" Ano daw yun? Anong akala niya sa akin masamang tao? 

"Ah eh Sir. Siya po ang kasama ko salamat po sa pagtulong. Michael can you help me?" Ano ka ngayon? Tsk! Tinitigan pa muna ako ng lalaki na ginantihan ko din naman ng tingin hanggang sa tumalikod na ito.

Binuhat ko na si Sam papunta sa may malapit na bench. Nang nakaupo na siya ay lumuhod ako sa harap niya upang mamasahe ang kanyang paa.

"Masakit pa ba? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"

"Ah n-no, h-hindi na kailangan sa tingin ko ayos na yan. Tu-Tumayo ka na umuwi na tayo." Utal utal na sagot niya kaya tiningnan ko siya. Hindi siya makatingin sa akin. Sinubukan kong hulihin ang paningin niya ngunit talagang ginagawa niya ang lahat maiiwas lang sa akin ito. Napansin ko din siyang namumula na naging dahilan ng pagngiti ko.

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon