Chapter 17

4.2K 70 6
                                    

ENJOY READING......

 

Ito na ang araw....


Ang kaarawan ko, diba dapat masaya ako kasi andito na si Michael? Anim na taon akong hindi nagcelebrate ng birthday ko dahil sya ang gusto kong makasama sa araw na ito. Kaya lang mukhang hindi naman pala mangyayari. Andyan nga sya hindi naman para sa akin.

Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ko ay sya ding pagbukas ng pintuan ng kwarto ni Michael. Lumabas ang isang maputing babae na ang buhok eh wari'y nakipagsabunutan dahil sa gulo.


"Goodmorning Sam, hehe. Happy birthday." nakangiti nyang sabi.


"Goodmorning. Thank you..... Dyan ka ba natulog? Akala ko sa guestroom ka."


"Hehe, hindi kasi ako makatulog kagabi kaya.... aaaaaaaahy." tili nya dahil sa may humila sa kanya galing sa loob ng kwarto.


"Naman sino nagsabi sayo na pwede ka ng lumabas, huh?"

 

"Hahaha, Mike ano ba ang aga aga eh..... haha Mike tama na... hahahahaha... " rinig kong tawa ni Isabelle mula sa loob ng kwarto. Sinirang bigla ni Michael ang pintuan pagkahila nya kay Isabelle.


Natulala na lang ako sa kinatatayuan ko. "Ohh... ghaad Michael.. Shit.. aaaaah... uhmm Mike.... ghaad enough... Umaga na.... ahy hahahahaha" sino ang hindi matutulala dahil sa mga yan. Kung ikaw ang makakarinig nyan ano ang gagawin mo?


"Stupid Samantha. Malamang aalis na ako at baba diba."
naman konsensya eh. Sabagay tama ka naman bakit ba ako nakatanga na lang dito? Ang saya naman ng birthday na to. Umagang umaga may panira agad.


"Goodmorning Samantha Nicole, happy birthday...." bungad sa akin ni Janelle pagkababa ko ng hagdan.


"Goodmorning."


"Oh, bakit nakasimangot ka? Birthday na birthday mo nakamangot agad?"


"Ano bang bago? Lagi naman ganito ang araw na ito noon pa. Nothing is special with my birthday."


"Samantha iha, yan kasi ang iniisip mo kaya ayan nagrereflect ang negative thoughts mo sa araw mo." sabi ni manang.


"Wow ma, saan mo napulot yan? haha."


"Ahy naku kayong mga bata kayo, kumain na kayo. Ang magulang mo Sam eh pumunta sandali sa lugar kung saan gaganapin ang birthday mo pero babalik din agad. Asaan na pala sina Michael?"


"I dont know. Baka gumagawa ng milagro sa kwarto ni lalaki."


"Ah oh, kaya pala nakamangot. Did you hear something? did you?"

 

"Tss. Tigilan mo ko Janelle. Lumabas na lang tayo today, shopping? Amuzement park?"


"Uhmm aalis? Paano ang birthday mo mamaya?"


"Gabi pa naman yun. May time pa tayo gumala, walang kwenta dito sa bahay."

 

"Ang bitter mo girl huh."

Hindi ko na lang sya sinagot. Napapagod na ko eh. Kilangan ko muna magisip kung kakayanin ko pa ba ang susunod na mangyayari. Anim na taon din akong nasaktan kakayanin ko pa ba? Ewan.

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon