Chapter 4

7.1K 123 24
                                    

CHAPTER 4

Bumaba ako ng sasakyan at umikot sa kabilang pinto para mapagbuksan siya.

"Tara na. Pasok na tayo sa loob."

"Wow nasa Ocean park  tayo? Hindi pa ko nakakapunta dito tara na,.. tara na." Napapangiti na lang ako dahil sa excited na expression niya. Para siyang bata dahil tuwang tuwa siya na nakapunta siya dito.  

"Woaaaaaaaaa, tara na dali dali pero teka wala akong camera."hinila-hila pa ako para makapasok sa loob. Nalungkot naman ang mukha niya ng maalala niyang wala siyang camera.  

“Ito na lang, cellphone ko. Pwede na nating gamitin to maganda naman ang camera nito eh, tapos pwede din natin maipaprint mamaya afer natin mamasyal." Nagliwanag naman ang mukha niya pagkasabi ko noon.

"Talaga? Woaaaa salamat tara na tara na." nagtatalon pa siya dahil sa tuwa. Hinila ko na nga para makapasok na kami sa loob. 

Ang ganda na niya tingnan noong umiiyak siya, mas maganda pala siyang tingnan ngayon habang amaze na amaze na tinitignan ang lahat ng mga isdang lumalangoy sa aquarium. Habang ako kuha lang ng kuha ng picture niya na minsan nakakakuha din ako ng stolen shot at kahit anong angulo ang ganda ganda niya pa din. Pinasubukan ko rin sa kanya ang fish spa. Kung saan isda ang nagmamasahe ng paa mo.

Naglalakad lakad na lang kami ng may makita kaming isang boung pamilya na nagtatawanan at mukhang ang saya saya na naging dahilan ng paghinto ni Sam sa paglalakad.

“Samantha bakit?" tanong ko.

"Wala, tara na." kahit sabihin niyang wala alam kong meron. Hindi ko man alam ang buong pangyayari sa buhay niya alam kong naiisip niya na sana may buo din siyang pamilya.

Nauna na siyang naglakad sa akin ng may nakabangga sa kanyang bata at nadapa. Tinulungan niya itong tumayo at......

"Bata ayos ka lang ba? Nasan ang mommy mo? " sabi niya sa batang lalaki na tinignan lang naman siya.

"Ay miss. salamat pasensya ka na ang likot likot kasi nitong batang ito." sabi ng marahil ay nanay ng bata.

"Okay lang po kasalanan ko din po hindi ko tinitingnan ang dinaraanan ko pasensya na."

"Okay lang miss. Sige salamat ulit."

"Sige po."

"Ayos ka lang ba?" tanong ko. 

"Oo naman, yung bata sana tinanong mo siya nadapa eh hindi naman ako"
sabi niya at biglang pilit tumawa habang nakatingin sa magnanay.  "Tara na, ipapaprint pa natin yang mga picture."

Naglakad na siya palabas ng park. Alam kong nalulungkot siya ngayon.

 
Nasa mall na kami ngayon at nagpapaprint ng picture. Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ko.

"Samantha... Pwede ba kitang abutin?"

"Huh? bakit? "

"Kasi sabi ng lolo ko reach for my DREAM daw." 

"Huh?"

"Aist naman eh pinapatawa kita, nagpipick up line na ako dito oh hindi ka pa din natatawa?" ang corny ba?  

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon