Chapter 10

5.8K 97 11
                                    

Hi Ms. Asherina kenza. This chapter is dedicated to you. Salamat sa pagiinspire sa aming mga readers mo. Salamat sa pagiging  mabait sa amin. I will always stay as your no. 1 fan. Thank you.

 ==============================

Piknik time. Sa paborito kong lugar. Kitang kita ang buong city. Habang nakasandal sa punong kahoy at nalililiman ng mga dahon at sanga. Ang Princessa ko? Ayan nakasandal sa dibdib ko at nagbabasa ng paborito nyang libro.

"AKIN KA by ASHERINA KENZA"

Maganda ba yang libro na yan? At sino ba yang author na yan? Lahat ata ng libro niya sa book shelves niya e gawa ng author na yan. Merong .......

MORE THAN JUST A BET, JUST FALL IN LOVE AGAIN at Kung ano ano pa.

Pero okay lang basta ganyan lang ang posisyon niya habang nagbabasa, nakadikit sa akin okay na. Samantha Nicole Mendez Honteveros. Gandang pangalan.

"Misis Samantha Nicole Mendez Honteveros . Ganda Princessa ko."

"Ewan ko sayo Michael Honteveros. Kainin mo yang saging mo. Magpiknik ang dala saging at chichirya?"

"Princessa ko pasensya na. Sabi kasi sakin ng kaklase ko romantic daw kapag piknik eh."

"Romantic nga. Pero bakit wala kang dalang tubig? Paano kung nabulunan ako? Di patay na ako ngayon?"

"Patay agad? Pwede pa kitang madala sa ospital Princessa ko."

"Tss. Kung hindi pa dumaan yung mangangahoy hindi pa ako makakainom tsk!"

"Sorry na nga Princessa ko." I told her and kiss on her lips.

"Tss." Sabi na lang niya at sumandal na ulit sa akin.

Yeah kasalanan ko bang sobrang ganda niya at nadidistruct ako ayan tuloy wala siyang inumin. Buti na lang at dumaan ang mangangahoy at may dalang tubig kaya nakainum kami.

"Princessa ko, bukas na yung event wag ka ng pumunta huh."

"Huh? Eh ano gagawin mo?" Napatingin siya sa akin bigla.

"May Plano na ako wag ka na magalala."

Today is the day. Maaga akong gumising at pinuntahan si Samantha sa kwarto niya.

"Good morning." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi, mata, noo, at kung saan saang parte pa ng mukha niya syempre ang huli eh sa labi.

"Wake up princess."

"Maaga pa prince ko, mamaya na."

My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon