EUNHA's POV
*TOK.TOK.TOK*
tumingin ako sa bintana at nakita si Jungkook sa may Veranda ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Nagsasalita siya kaso hindi ko marinig. Itinaas niya yung dala dala niyang Mug binasa ko yung sinasabi niya
"COFFEE!" tumayo ako sa kama ko at pinagbuksan siya! umupo ako sa upuan sa may veranda ko. Inilapag niya yung coffee
"Anong meron?" tanong ko at humigop ng kape. Umupo siya sa katapat kong upuan
"Peace Offering" tiningnan ko siya
"Para saan?" tanong ko
"Wala lang!"
"Tss!" hissed ko
"So paano ba yan girlfriend na kita at boyfriend mo na ako" kinunutan ko siya ng noo
"Ako?"
"Oo! You admit it! Kagabi hinalikan mo pa nga ako eh"
"Ang kapal mo naman! Ikaw ang humalik saakin! And pagpapanggap lang naman yung sinabi ko kagabi noh! You think i can forget him?" mataray kong sabi sa kanya
"Then explain mo nga kung bakit ka nagresponse sa kiss?" mapangasar niyang tanong Tumayo siya at bahagyang yumuko kumapit siya sa hmagkabilang hawakan ng upuan kaya natrap ako sa kanya. Inilapit niya yung mukha niya saakin.
"You liked the kiss right?" napaiwas ako ng tingin
"As if!"
"Ba't di ka makatingin saakin?" kasi naiilang ako! Abnormal ka
Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga mata niya
"I can! " ilang segundo ko siyang tiningnan. Napangisi ako kasi umiwas siya ng tingin saakin.
"Ikaw nga tong hindi makatingin eh! Tabi nga!" tinulak ko siya kaso sadyang malakas lang siya.
"Ikaw ah! Chinachansingan mo pa ako ah!" nakangiti niyang sabi saakin
"Sabihan mo lang ako If you want to touch my abs!"
"Ang kapal mo din! Tumabi ka na nga pwede! " umiling siya
"Kapag hindi ka pa tumabi sisiguraduhin kong basag na yang!" tumingin ako sa baba niya. Napalunok naman siya dun at inalis yung mga kamay niya sa upuan . Nadala na siguro siya nung un akong ginawa yun
"So Ano tayo na ah!" tumayo ako
"I'll just make things clear between us! Boyfriend lang kita at girlfriend mo lang ako kapag kaharap natin si Mingyu!" pagkasabi ko nun pumasok na ako sa kwarto ko at dumiretso sa banyo.
..................................
"Eunha!" nilingon ko si Sinb
"Ano yun?"
"You look pale! Are you alright?"
"Im Fine! " sagot ko
"Akin na yang bag mo!" kinuha niya yung bag ko
"Hoy! Jhope!" tawag niya kay jhope
"Ano nanaman?" aburidong sagot nito
"Dalhin mo nga tong bag ni Eunha!" mataray niyang sabi kay Jhope
"Tss!" hinablot ni Jhope yung bag ko at isinukbit yun sa harapan niya dala kasi niya yung bagpack niya tapos yung apat na libro ni Sinb.
Bakit kaya sunod ng sunod sa utos si jhope. Nagpatuloy na kami sa paglalakad binuksan ko yung pintuan ng room at bumungad saamin ang napakaingay na klase. Kaso nang makita nila ako nanahimik sila bigla.
BINABASA MO ANG
HOUSEMATES ( Completed)
FanfictionKwento tungkol sa magkakaibigan na babae at lalaki na titira sa iisang bahay dahil sa isang hindi malamang dahilan. Ano kayang mangyayari kapag tumira silang lahat sa iisang bahay May magaganap bang WAR, PEACE, or LOVE?