CHAPTER 21

1.4K 101 31
                                    


CHAPTER 21

NO ONE's POV

*TRRIIIIINNNGGGG*

napaupo mula sa pagkakahiga si Eunha habang nakapikit ito at kamot kamot ang kanyang ulo. Iminulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa kanyang tatlong babaeng katabi.

"Sowon! Sinb! Yerin Gising na!" walang ganang sambit ni Eunha.

Kaillangan nilang gumising ng maaga para sa activity na kanilang gagawin sa unang araw nila sa bundok.

"GRR! Ang aga pa at ang lamig eh!" napakamot din ng ulo si Sinb pagkaupo niya.

"Sowon gising na baka maminusan tayo!" antok na antok na sabi naman ni Yerin habang niyuyugyug si Sowon na nakatalukbong ng kumot.

"Sowon! GISING NA!" napabalikwas ng bangon si Sowon dahil sa pagsigaw ni Yerin.

"AIST!" umirap si Sowon.

"What time is it?" pagtatanong niya. Inabot ni Eunha ang Cellphone niya at ipinakita ang oras kay Sowon. Itinapat niya ito sa mukha ni Sowon.

"I can't see ano ba! Ang liwanag!" kinusot-kusot ni Sowon ang mata niya. Tiningnan ni Eunha ang oras sa phone niya.

"4:31 AM" sagot ni Eunha.

"Ang aga!" reklamo nilang tatlo at sabay sabay na humiga uli at nagtalukbong ng kumot. Napabuntong hininga si Eunha.

-Anak naman kami ng may-ari ng school kaya okay lang toh! Im still sleepy!-
ani ni Eunha sa isipan niya at nahiga at nagtalukbong din ng kumot.

..........................

"1 2 3 4 5 6 7 8 8 7 6 5 4 3 2 1" mahinang sambit ni Umji habang iniikot-ikot nito ang ulo niya habang nakapamewang siya.

"Hoy! Exercise ka ng exercise di ka naman pumapayat!" hindi narinig ni Umji ang sinabi ni Suga dahil nakaearphones ito.

"Tsk! Bingi!" bulong ni Suga at umupo sa damuhan habang pinapanuod si Umji.

"Coffee!" alok ni Namjoon kay Suga. Inabot iyon ni Suga at humigop ng dahan dahan. "Have you seen Sowon?" tanong ni Namjoon. Umiling si Suga.

"Hindi pa! Tulog pa ata eh!" sabi ni Suga at sumilip sa Tent nila sowon na may kalayuan sa pwesto nila.

"Dapat gumising na sila baka maminusan sila niyan eh!" may pagaalala sa tono ng boses ni Namjoon.

"Yun! Umiiral ang pagiging LOVER BOY!" pangaasar ni Suga sabay kurot sa tagiliran ni Namjoon kaya hindi sinasadyang natapunan ng mainit na kape ag kanyang jogging pants. Nilingon ni Namjoon si Suga ng masama ang kanyang tingin.

"Peace!" sambit nito at nagpeace sign.

.............................

"Hi Girls!" mahinang sambit ni Jimin pagkapasok niya sa Tent kung saan nandun si Yuju. Akmang sisigaw ang dalawang babae sa kilig ng sinenyasan sila ni Jimin na huwag maingay at lumabas muna.
Tumango yung dalawang babae at lumabas ng Tent. Napangisi si Jimin nang makita si Yuju na mahimbing na mahimbing na natutulog habang yakap yakap ang jacket ni Jimin na bigay sa kanya kagabi. Lumapit siya kay Yuju at tinabihan ito ng higa. Magkaharap sila ngayon Isang dangkal lang ang layo ng mukha nilang dalawa. Marahang hinaplos ni Jimin ang pisngi ng natutulog na si Yuju akmang tatapikin niya ang ilong ni Yuju nang hawakan siya bigla ni Yuju sa kamay at imulat nito ang kanayng mga mata.

"I GOT YOU!" seryosong sabi ni Yuju. Napalunok sa gulat si Jimin.

"I thought your still asleep!" umiwas ng tingin si Jimin.

HOUSEMATES ( Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon